HomeCelebritiesMike Abe, inilahad kung bakit siya umalis sa SMNI: "Hindi ako papayag...

Mike Abe, inilahad kung bakit siya umalis sa SMNI: “Hindi ako papayag na maliin ang opinyon ko,”

Itinanggi ng dating SMNI reporter na si Mike Abe na nag-walkout siya sa programa niya sa gitna ng kanilang usapan ni Pastor Apollo Quiboloy tungkol kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa kanyang live sa MIKE ABE Opinions, nilinaw ni Abe na nasa proseso naman ang kanyang ginawang pamamaalam sa nasabing programa at hindi ito maituturing na walkout dahil nagpaalam pa siya kay Quiboloy.

“Yung sabi nilang nag-walkout ako, bahala na kayo kung ano ang interpretation niyo doon,” ani Abe. “Nagpaalam ako, nag-sorry ako, nagpasalamat ako, ano na ang susunod don? Ano babalik pa ako don, nagpaalam na ko eh,”

“Diba natural pagkatapos ‘non tatayo ka na at aalis ka na, SOP ‘yun eh. Alangan namang ginawa mo na ang lahat tapos babalik ka pa, titingin ka pa sa camera, ano ako robot.” dagdag pa niya.

Itinanggi rin nito na binagsakan niya ng mikropono si Quiboloy na matatandaan na ikinadismaya ng lubos ng pastor.

“Kung tingin niyo ay mali ako, pasensya na po.” sabi niya pa.

Itinanggi dn nito na kinontra niya ang opinyon ng pastor sa gitna ng kanyang programa.

Ngunit nilinaw nito na hindi siya papayag na mamaliin ninuman ang kanyang paniniwala at opinyon.

“Hindi ko siya tinutulan, wala akong ginawa. Nagtanong lang ako tapos ‘ayun… Kasi hindi naman ako papayag na maliin ako, maliin ‘yung opinyon ko.” sabi pa niya.

“Lahat tayo entitled sa opinyon, ‘yan ang dahilan kung bakit ako umalis. Kasi meron naman akong pagkatao, ba’t naman ako papayag sa harap ng national television na mamaliin ako. Eh pinag-aaralan ko naman ang aking sinasabi. Mahal ko ang trabaho ko, alam ko ang trabaho ko. I know my job,” dagdag niya pa.

Naniniwala rin siya na wala sa tamang proseso ang nangyari sa kanila ni Quiboloy.

“Pag minali mo ko edi mag-usap tayo, mag-usap tayo sa opisina, sa tamang proseso.. Eh minali ako doon sa live, nationwide, worldwide, kaya ako’y nagpaalam, nagpasalamat at nag-sorry,” sabi niya pa.

Wala pang tugon si Quiboloy sinabi ni Abe.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular