HomeCelebritiesLolit Solis, naglabas ng sama ng loob kay Ryzza Mae Dizon: "Never...

Lolit Solis, naglabas ng sama ng loob kay Ryzza Mae Dizon: “Never man lang nag thank you!”

Naglabas ng sama ng loob ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa child star na si Ryzza Mae Dizon dahil diumano sa ugali nito na hindi namamansin o nagpapasalamat man lang.

Sa kanyang Instagram post nitong Hulyo 28, ibinahagi ni Lolit kung paano niya pinatira si Ryzza sa kanyang condominium ng mahigit isang taon ngunit sa huli ay hindi man lang daw naalala ng aktres ang kabaitan na ipinakita niya.

“Ayoko sana IG ito pero hindi ko lang matiis malaman kung ano magiging sagot, Salve. Alam mo ba na tumira ng halos 1 year na libre sa condo unit ko si Ryzza Mae ng Eat Bulaga dahil kay Malou Fagar?” paumpisa ni Lolit.

“Pero never nakaalala bumati ng birthday o Christmas. Never man lang nag thank you, kaloka ha. At ngayon nga, never man lang nagparamdam na kumustahin ako, bongga. Para bang utang na loob ko pa na tumira siya ng libre sa condo unit ko ha.” dagdag pa niya.

Nilinaw naman nito na hindi niya isinusumbat kay Ryzza ang kanyang mga nagawa at naalala niya lang na mayroon pala talagang mga tao na hindi marunong magpasalamat.

“Ayaw ko isumbat, naisip ko lang bigla kasi napanuod ko siya. Meron pala ganuon tao hindi naalala mga bagay na nagawa mo sa kanila, basta ganuon lang, parang hangin dumaan. Ok lang, wala naman problema, malay mo one day ako naman makitira sa bahay ni Ryzza Mae hah hah hah, as if,” sabi pa nito.

Wala pang tugon si Ryzza Mae sa mga akusasyon ni Lolit sa kanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular