Home Celebrities Jay Sonza sa kanyang kapwa Mindanaoan na si Sen. Koko Pimentel: “Nakakasuka ka sir!”

Jay Sonza sa kanyang kapwa Mindanaoan na si Sen. Koko Pimentel: “Nakakasuka ka sir!”

0

Hindi napigilan ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na batikusin ang kanyang kapwa Mindanaoan na si Senate Minority Leader Koko Pimentel dahil sa pahayag nito tungkol kay dating senador Leila de Lima.

Matatandaan na nanawagan si Pimentel sa gobyerno na palayain na si De Lima na inaakusahan na sangkot sa mga iligal na gawain noong siya ay Department of Justice (DOJ) Secretary pa lamang.

“Without question, her continued detention is one of the grossest injustices ever committed to a sitting Senator,” sabi ni Pimentel at ng kanyang kasamahan na si Sen. Risa Hontiveros.

Nagtataka naman si Sonza kung abogado nga ba talaga si Pimentel dahil sa kanyang inilabas na pahayag.

Ayon kasi sa kanya ay tila hindi alam ni Pimentel kung paano tumatakbo ang mga korte sa Pilipinas.

“Abogado ba talaga si Koko Pimentel. He is asking the state prosecutor, representing the People of the Philippines vs. Leila de Lima to withdraw the case against the accused in a criminal proceedings.” sabi ni Sonza.

“Imagine if you happen to have him as your lawyer. Nakakasuka ka sir!” dagdag pa nito.

Si Pimentel ay dating kaalyado ni Duterte na isa sa mga nag-akusa kay De Lima na mayroon itong ginagawang mga iligal na aktibidad.

Facebook Comments