Home Celebrities Delikadong tao siya! Facebook, isinara na ang account ni Dr. Chao-Tiao Yumol

Delikadong tao siya! Facebook, isinara na ang account ni Dr. Chao-Tiao Yumol

0

Isinara na ng Facebook ang account ni Dr. Chao-Tiao Yumol na suspek sa nangayaring pag-atake sa Ateneo de Manila University nitong Hulyo 24.

Ayon sa ulat ng Rappler ay kinokonsiderang ‘dangerous individual’ si Yumol na ipinagbabawal manatili sa nasabing social media platform.

Ipinagbabawal din sa Facebook ang pagpapakita ng suporta sa mga insidente na katulad ng nangyari sa Ateneo.

“We do not allow content that praises, substantively supports, or represents events that Facebook designates as violent events,” ayon sa Facebook.

Dahil dito ay hindi na mababasa pa ng mga netizens ang mga post ni Yumol.

Matapos itong mahuli ay hinimok pa ng doktor ang mga netizens na basahin ang kanyang Facebook page upang malaman ng mga tao ang kanyang saloobin.

“Tatlong beses akong pina-ambush ng pamilyang ‘to. ‘Pag pumunta kayo sa social media ko makikita niyo ilang beses akong humingi ng tulong,” ani Yumol.

Sinabi pa nila na ipagpapatuloy nila ang pagtatanggal sa mga post na magpapakita ng suporta sa ginawa ni Yumol.

Matatandaan na ilang netizens sa social media ang nagpakita ng suporta kay Yumol kasama na ang blogger na si Maharlika na malapit na kaibigan ng suspek.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Yumol sa pagkakabura ng Facebook ng doktor na humaharap ngayon sa patong patong na reklamo.

Facebook Comments