HomeCelebritiesAbra Mayor Joseph Bernos, 'naningil' na kay PBBM: "We delivered 96% of...

Abra Mayor Joseph Bernos, ‘naningil’ na kay PBBM: “We delivered 96% of the votes of Abra during the last election”

Hiniling ni La Paz, Abra Mayor Joseph Bernos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sana’y mapansin na ang hiling ng kanilang lugar na madagdagan ang kanilang mga firetrucks.

Sa pagbisita ni Marcos sa Abra, isa si Bernos sa mga nagbigay ng mensahe kay Marcos at humingi ng bagong ambulansya ang mga fire trucks para sa kanilang lugar na magagamit nila pag dumating ang kalamidad.

Matatandaan na ang Abra ang isa sa mga pinaka naapektuhan ng 7.1 magnitude na lindol na tumama sa Luzon.

Ayon kasi kay Bernos ay ang ilang fire truck ng Abra ay nakuha pa nila noong panahon pa ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kung maari daw ay iwanan na lamang sa Abra ang mga ipinadalang fire truck ng national government.

Binanggit dn ni Bernos na 96% ng mga taga Abra ay binoto si Marcos noong nakaraang halalan kaya naman oras na para ‘manigil’ sila sa kanya.

“Balita ko po from the BFP, they have brought 15 new fire trucks to Abra now. E baka puwede po Mr. President na iwan na lang po ‘yung iba dito,” sabi ni Bernos.

“During the previous administrations, lagi po kaming lumuluhod sa PCSO for ambulance. So, this time, siguro naman po open na po lahat ‘yung request namin kasi may Ilocano president na kami and we delivered 96% of the votes of Abra during the last election, so tingin ko kami naman po ang maniningil ngayon, Mr. President,” dagdag pa niya.

Makikita naman ang pagngiti ni Marcos sa mga sinabi ni Bernos.

“Your comments are well noted,” maiksing tugon ni PBBM.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular