Home Celebrities Raissa Robles, sinabing ‘best dress’ si VP Sara sa SONA, ‘trying hard’ naman si Sen. Imee: Mukhang ensaymada!

Raissa Robles, sinabing ‘best dress’ si VP Sara sa SONA, ‘trying hard’ naman si Sen. Imee: Mukhang ensaymada!

0

Ibinahagi ng mamamahayag na si Raissa Robles kung ano nga ba ang opinyon niya tungkol sa kasootan ng mga politiko na dumalo sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Robles na ang pinakamagandang dress sa araw na ‘yon ay ang kasootan ni Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang soot ni Duterte dahil sa ito ay mula sa tradisyonal na kasootan ng mga Lumad ng Mindanao.

Samantala ay tinawag naman ni Robles na ‘trying hard’ ang mga pananamit ni Senador Imee Marcos nitong SONA.

Ayon kasi kay Robles ay tila nagmukhang ‘ensaymada’ si Marcos sa kasootan niya.

Dalawang kasootan ang inihanda ni Marcos para sa unang SONA ng kanyang kapatid.

Ang unang soot niya bago mag SONA ay ang royal blue custom terno top and pants na dinesenyo ni Edgar Buyan.

Habang ang kasootan naman na aktwal na gagamitin ni Marcos sa SONA ng kanyang kapatid ay likha ni Jan Garcia.

“Politics aside, I think the best dressed yesterday, in fit, fashion and tradition, was Sara Duterte. But that’s politics aside. Trying hard – Imee Marcos’ gown made her look like ensaymada. The FL gown sagged at the bodice.” ani Robles.

Wala pang tugon si Duterte at Marcos sa opinyon ni Robles.

 

Facebook Comments