HomeCelebritiesPBBM ipinaliwanag kung bakit hindi siya agad pupunta sa lugar na nilindol...

PBBM ipinaliwanag kung bakit hindi siya agad pupunta sa lugar na nilindol sa gitna ng pag trending ng #NasaanAngPangulo

Matapos tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa Abra at iba pang bahagi ng Luzon ay agad na inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga apektado ng nasabing kalamidad.

Ipinaliwanag din ni PBBM kung bakit hindi siya pupunta sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Ayon sa kanya ay maaring maging abala lamang sila sa paggalaw ng mga local government unit (LGU) kaya naman mas nanaisin niya na utusan na lamang ang mga ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga apektado.

“I am staying away from going to the affected areas [of calamities] for a very simple reason. It has been my experience as governor, it has been my experience in Yolanda that when the national officers come to the affected areas, immediately ginugulo lang namin ‘yung trabaho ng lokal. I said, let them do the work, let’s wait for them to tell what is the situation is and maybe I can schedule a trip, perhaps tomorrow.” ani Marcos.

 

Matatandaan na isa sa mga pinakanaapektuhang lugar ay ang North Luzon kung saan pinakapopular si Marcos.

Ilan sa mga popular na tourist spots din ang nasira lalo na sa Vigan, Ilocos Sur dahil narin sa diumano’y mahinang pundasyon ng lupa doon na lubos na naapektuhan din ng lindol.

Samantala ay nagtrending muli sa Twitter ang #NasaanAngPangulo dahil sa nawawala nanaman diumano ang pangulo sa gitna ng kalamidad.

screencap 2022 07 27 at 5.30.23 PM

 

“I really dunno how the epals are looking for Angat Buhay in this time of disaster. Why not reach to our government agencies first, because they should be the ones to take immediate action. #NasaanAngPangulo,” sabi ni @imeduardcullen.

May nagtanggol din naman kay PBBM sa gitna ng pambabatikos ng mga netizens.

“Just because President BBM is not there in the disaster areas doesn’t mean he is not doing anything. He can manage disaster response operations without going there. Yung mga nghahanap kung #NasaanAngPangulo, please educate yourself about EOC, ICS at Philippine RA 10121.” wika ni @cryptonaticleon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular