Home Celebrities Papansin? Political strategist, hindi natuwa sa mensahe ni Leni Robredo kay Erwin Tulfo: “Totally uncalled for!”

Papansin? Political strategist, hindi natuwa sa mensahe ni Leni Robredo kay Erwin Tulfo: “Totally uncalled for!”

0

Hindi natuwa ang beteranang political strategist at CEO ng PUBLiCUS Asia Inc. na si Malou Tiquia sa ginawang mensahe ni dating Vice President Leni Robredo kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo.

Nitong Hulyo 27 ay nag-tweet ni Robredo kung saan ay pinasalamatan nito si Tulfo dahil sa mabilis nitong pag-aksyon sa mga naging biktima ng magnitude 7.1 na lindol na tumama sa Luzon.

“Thank you to DSWD Sec Erwin Tulfo for the quick response. This sense of urgency is very important in crisis situations. Not only does it ensure that govt resources will be readily available but will also assure those affected that they will be cared for.” wika ni Robredo.

Ayon kay Tiquia ay tila hindi nagpapakita ng respeto si Robredo sa kasalukuyang administrasyon dahil sa kinukuha nito ang atensyon ng publiko.

Sinabi pa ng political strategist na ngayon lamang nangyari na ang isang dating opisyal ay tila sinusubukan pang maging laman ng pahayagan.

Kadalasan daw kasi ay mas pinipili ng mga nagiging dating opisyal ng gobyerno na manahimik na lamang bilang pagpapakita ng respeto sa kasalukuyang administrasyon.

“Totally uncalled for! This has never happened when a former VP speaks on the day of a crisis. Often the ex works quietly a few months after. Out of sight, out of the limelight, respecting those elected their turn of holding the reigns.” sabi ni Tiquia.

Ilang netizen naman ang ibinigay na halimbawa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nagbibigay ng komento sa mga isyu simula ng siya ay bumaba na sa pwesto.

 

Facebook Comments