Home Celebrities Leni Robredo nagpasalamat sa mabilis na aksyon ni Erwin Tulfo: “This sense of urgency is very important,”

Leni Robredo nagpasalamat sa mabilis na aksyon ni Erwin Tulfo: “This sense of urgency is very important,”

0

Nagpaabot ng pasasalamat si dating Vice President at ngayo’y Angat Buhay NGO leader na si Leni Robredo sa mabilis na aksyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Matatandaan na ilang oras pa lamang matapos tumama ang 7.1 magnitude na lindol sa Luzon ay agad pumunta si Tulfo sa mga pinakanapinsalang lugar upang maghatid ng tulong at tignan ang kalagayan ng mga apektadong pamilya.

Ayon sa tweet ni Robredo ay mahalaga ang ginawang mabilis na aksyon ni Tulfo.

“Thank you to DSWD Sec Erwin Tulfo for the quick response. This sense of urgency is very important in crisis situations. Not only does it ensure that govt resources will be readily available but will also assure those affected that they will be cared for.” ani Robredo na ngayon ay nagbabakasyon sa Turkey.

Screencap ng tweet ni Leni Robredo (@lenirobredo)

Wala pang tugon si Tulfo sa pahayag sa kanya ni Robredo.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa naging mensahe ng dating bise kay Tulfo.

“Look at Atty. Leni recognizing the efforts and quick response of DSWD Sec Erwin Tulfo while she has been doing a very good job for six years but was never recognized.” sabi ni @maryjhoanna.

“Ano meron hahahaa nasaan ang lagi NASA ground, nasaan din ang ANGAT BUHAY?? PASIKAT TAO LANG PALA,” sabi ni netizen Darkness.

“President BBM instructed Sec. Erwin for that quick response. Ang Pangulo ang dapat mong pasalamatan. At sabihan mo yang mga mangmang mong supporters na tigilan ang pagkakalat ng ka-negahan at maging halimbawa ka sa kanila na suportahan ang gobyerno at hindi ang kalabanin ito.” mensahe naman ni @kitschychic kay Robredo.

Facebook Comments