Home Celebrities Abogado, utos sa Ateneo na protektahan si Robredo: “There’s no telling what crazy DDS-BBM supporters can do”

Abogado, utos sa Ateneo na protektahan si Robredo: “There’s no telling what crazy DDS-BBM supporters can do”

0

Hiniling ng isang abogado sa Ateneo de Manila University at sa Quezon City Government na higpitan nila ang seguridad ng unibersidad sa araw ng pagbibigay nila ng honorary degree kay dating Vice President Leni Robredo.

Nitong Hulyo 27 ay inanunsyo ng Ateneo na magbibigay sila ng honorary degree kay Robredo sa Economics.

Personal na tatanggapin ni Robredo ang nasabing degree sa Agosto 27, 2022 kasabay ng kanyang pagsasalita sa mga magtatapos sa nasabing unibersidad.

Ngunit hindi mapigilan ni Atty. Jesus Falcis na mag-alala lalo na’t matatandaan na inatake ang Ateneo nitong nakaranag Linggo ng isang ‘DDS-BBM’ supporter na si Dr. Chao-Tiao Yumol.

Ayon kasi kay Falcis ay mas matindi ang galit ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte at Marcos kay Robredo.

“Since the date of the commencement exercises has been publicly announced and one month in advance, there’s no telling what crazy DDS-BBM supporters can plan and do within that time.” sabi ni Falcis.

“If a doctor can do all of those things, what more other crazed DDS-BBM supporters that include active and retired policemen/soldiers, engineers, and other professionals?” dagdag pa nito.

Hiniling din nito kay Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na tulungan ang Ateneo na bantayan ang nasabing graduation.

“Further, as a former Vice President, Leni Robredo is entitled to such kind of security assistance by law and custom.” sabi pa nito.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Ateneo at Quezon City sa hiling ni Falcis.

Matatandaan na nagawa ni Yumol ang pagsugod sa Ateneo dahil sa kanyang kinimkim na sama ng loob sa pamilya ng biktima na ilang beses niyang inakusahan ng pagiging kurakot.

 

Facebook Comments