Home Social Media Single mother, himas rehas matapos diumanong magnakaw ng lobo at gatas para sa birthday ng anak niya

Single mother, himas rehas matapos diumanong magnakaw ng lobo at gatas para sa birthday ng anak niya

0

Hindi napigilan ng mga netizens na magpakita ng simpatya sa istorya ng isang ina na nahuling nagnakaw ng lobo, birthday banner at gatas para sa kaarawan ng kanyang anak.

Nahuli ang babae sa isang grocery sa Cogon Market, Cagayan de Oro kung saan ay makikita pa ang kanyang mga kinuha na gagamitin niya sana para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang anak.

Ayon sa ulat ay isang single mom ang nasabing babae na hindi na pinagalanan pa upang maproteksyonan ang kanyang dignidad.

Makikita naman sa mga larawan ang pag-iyak nito at ang pagpasok nito sa selda.

Ayon naman sa may-ari ng grocery ay papatawarin niya ang babae kung babayaran ng suspek ang ninakaw niya sa sampung beses na halaga nito.

Ngunit tila malabo itong mabayaran ng suspek dahil sa kaya niya nagawa na magnakaw ay dahil sa wala siyang pera.

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na maawa sa babae.

“Grabe Naman magkano lng man Yan? Diba BIGYAN Ng chance alang alang da anak. Wala na b tayong puso pra tumulong sa mga walang Wala? Oo Mali ginawa nya seguro Wala na Siya maisip na paraan. Aral din sa iba na wag tularan. Humingi nalng o maglimos kysa magnakaw. Kahit maganda Ang DAHILAN pero Mali Ang pamaraan na ginawa. Let us share our blessings to the needy and God will bless us more in return. God bless Pilipinas,” sabi ni netizen Mamkres Nanit.

Pero may ilan din na naniwala na mali ang ginawa ng suspek.

“Bakit kasi kilangan magnakaw para may maihanda??? sana matututo ang mga filipino kung anong meron makuntinto..kung walang panghanda oky lang tiis lang darating din ang panahon na aangat ang buhay basta magsikap kaysa magnakaw ka,” wika ni Fieh Ngirab.

Hindi pa malaman kung nakalaya na ang babae.

Facebook Comments