Home Celebrities Pastor Quiboloy sa pag-walkout ni Mike Abe: “Sariling istasyon ko babastusin mo ko, broadcaster ka lang!”

Pastor Quiboloy sa pag-walkout ni Mike Abe: “Sariling istasyon ko babastusin mo ko, broadcaster ka lang!”

0

Halata ang pangagalaiti ni Pastor Apollo Quiboloy sa ginawang pagwo-walkout ng beteranong mamamahayag ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Mike Abe sa gitna ng kanilang diskusyon tungkol sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Matatandaan na ginulat ni Abe ang mga manonood ng SMNI at ng programang ‘Usaping Bayan’ ng bigla itong magresign at umalis sa kanyang sariling programa matapos ang pakikipag-debate niya kay Quiboloy tungkol sa mga plano ng kasalukuyang pangulo.

Kung pasadong pasado kay Abe ang SONA ni PBBM ay tila marami naman napuna si Quiboloy katulad na lamang ng hindi nito pagbanggit sa kung ano ang gagawin ng kasalukuyang administrasyon upang masugpo ang rebelyon at pagpapanatili ng peace and order sa bansa.

Ayon kay Quiboloy na siyang may-ari ng SMNI ay hindi nagpakita sa kanya ng respeto si Abe.

“Ako ang una niyang pinahiya sa TV, ako nakikinig lamang. Nakita niyo ba na nangialam ako sa programa ng SMNI? Nakikialam ba ako sa Usaping Bayan,” tanong ni Quiboloy.

“Pero pinahiya mo ako sa aking mga opinyon ko, sinalungat mo ako at isa kang correspondent ng SMNI e talagang sasagutin kita publicly, hindi kita babastusin, sasagutin lang kita,” dagdag pa nito.

Ipinaalala rin ni Quiboloy na siya ang may-ari ng SMNI ay nagtatrabaho lamang si Abe bilang broadcaster sa kanyang media company.

“Public dialog to, natalo ka sa debate binastos mo ako, sariling istasyon ko babastusin mo ako tapos broadcaster ka lang… kahit 15 years ka pa diyan, binagsakan mo ko ng microphone sa sarili kong istasyon.. Magkaka-programa ka ba diyan kung hindi kita pinayagan,” sabi pa ni Quiboloy.

Sinabi din nito na mali ang pananaw ni Abe na huwag iasa kay PBBM ang lahat ng problema dahil sa naniniwala ang pastor na dapat gamitin ng pangulo ang kanyang kapangyarihan para malutas ang mga problema sa bansa.

Sana rin daw ay pinairal ni Abe ang kanyang professionalism at hindi na lamang ito gumawa ng eksena sa gitna ng programa.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Abe tungkol sa nangyaring hidwaan sa kanila ni Quiboloy.

Facebook Comments