Home Celebrities Ogie Diaz sa mga nagtatanggol kay Dr. Chao Yumol: “Mga lukaret!”

Ogie Diaz sa mga nagtatanggol kay Dr. Chao Yumol: “Mga lukaret!”

0

Hindi mapigilan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na madismaya sa ipinapakita ng mga tagasuporta ni Dr. Chao-Tiao Yumol na suspek sa pagpaslang sa dating Mayor ng Lamitan na si Rose Furugay at dalawa pa.

Sa kanyang tweet, tinawag na ‘lukaret’ ni Ogie ang mga netizen na nagpapakita ng suporta kay Yumol.

“Mga lukaret amp*t*h!” sabi ni Ogie sa kanyang tweet matapos mabasa ang opinyon ng isa pang netizen.

Ayon kasi sa netizen ay mas masama pa tila ang turing ng mga tao sa mga nagpo-protesta kaysa kay Yumol na idinaan na sa kamay ang batas.

Matatandaan na inulan ng suporta sa social media si Yumol dahil sa diumano’y ipinaglalaban lamang nito ang kanyang paniniwala tungkol sa nangyayaring korapsyon sa Lamitan.

Nakikita rin ng ibang netizen na biktima din ang doktor sa nangyari dahil sa bigo diumano itong matulungan ng gobyerno noong siya ay humaharap sa patong patong na kasong isinampa ng pamilya Furugay laban sa kanya.

Ilan sa mga nagpakita ng suporta ay ang blogger na si Maharlika at Drei Toledo na naniniwala na may pinaglalaban ang doktor kaya niya nagawa ang pagpaslang.

“Sumisigaw ng hustisya si Doc Chao-Tiao Yumol para sa bayan ng Lamitan. MAy dahilan kung bakit nabuhay si Doc. Ito ang malaking hamon ngayon sa Administrasyon ni PBBM. Imbestigahan at panagutin ang lahat ng sangkot sa kurapsyon sa Lamitan,” sabi ni Maharlika.

Samantala ay haharap naman sa patong patong na kaso ang doktor at posible na hindi na ito makalabas ng piitan kung sakali man na mapatunayan ang mga ginawa niya.

Facebook Comments