Home Celebrities Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. gustong isama ang ‘ghosting’ bilang emotional offense

Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. gustong isama ang ‘ghosting’ bilang emotional offense

0

Isinusulong ngayon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang pagdedeklara ng ‘ghosting’ bilang isang emotional offense.

Ang ‘ghosting’ ay ‘yung pang-iiwan ng isang indibidwal sa kanyang ka-partner ng wala man lang itong iniiwan na mensahe o paliwanag.

Kung maipasa ang “Act Declaring Ghosting As An Emotional Offense” ay maari ng makasuhan ang mga indibidwal na iiwanan ang mga nagmamahal sa kanila ng wala man lang paliwanag o closure.

Ayon kay Teves ay malaki ang epekto ng ghosting sa mga nagiging biktima nito.

“In the age of social media and in today’s world, the realm of dating has changed exponentially compared to previous years. Now, couples primarily communicate using their cellular phones and in turn, use cellular phones as an avenue for meeting and dating.” sabi ni Teves Jr. sa kanyang explanatory note.

“Ghosting is a form of spite that develops feelings of rejection and neglect. Ghosting has adverse effects on the mental state of the one being ghosted and his or her emotional state is still adversely affected as he or she will be constantly thinking of the welfare or the unexplained reasons of the one who ghosted. The ambiguity with ghosting, is that there is no real closure between the parties concerned and as such, it can be likened to a form of emotional cruelty and should be punished as an emotional offense because of the trauma it causes to the “ghosted” party.” dagdag niya pa.

Isa sa mga sikat na kaso ng ghosting ay ang nangyari diumano sa relasyon ni Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ayon kasi kay Bea ay iniwan na lamang siya noon ni Gerald ng wala man ang paliwanag.

“Leaving somebody without saying goodbye is such an *ssh*le thing to do. I’m sorry but I can’t think of a perfect word for it — it’s so disrespectful,” sabi ni Bea.

 

Facebook Comments