HomeCelebritiesMike Abe, nagsalita matapos ang kanyang walkout at resignation sa live ng...

Mike Abe, nagsalita matapos ang kanyang walkout at resignation sa live ng SMNI

Nilinaw ng beteranong broadcaster na si Mike Abe na wala siyang sama ng loob sa chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito’y kahit na nag-walkout siya sa gitna ng kanilang debate ni Quiboloy tungkol sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ngunit sa kanyang pahayag nitong Hulyo 26 ay tila tuloy ang kanyang pagre-resign sa SMNI matapos ang 15 na taon dahil sa inanunsyo niya na mas magiging aktibo na siya sa kanyang sariling vlog na ‘MIKE ABE Opinions’.

Sa kanyang live ay hindi naman napigilan ng mga followers niya na magtanong kung may sama ba siya ng loob kay Quiboloy na agad niyang itinanggi.

“Kaibigan ko ‘yan, 15 years po akong nasa SMNI kaibigan ko ‘yan, ‘noong mga nakaraang araw nagkakatawagan pa kami niyan, kung may kailangan siya sakin tinatawagan niya ako, kapag ako ang may kailangan sa kanya tinatawagan ko siya. Mataas ang respeto ko diyan…” paglilinaw niya.

“Si Pastor Quiboloy, kaibigan ko ‘yan.. mula noon hanggang ngayon itinuturing ko siyang kaibigan. Hindi ako nakikipag-away kahit kanino, kaibigan ko si Pastor Quiboloy, wag kayong magsabi ng kung ano-ano… Itinuturing ko siyang matalik na kaibigan,” dagdag niya pa.

“Wag niyong intrigahin na kami ay magkaaway… trabaho lang ito, walang personalan,” pakiusap niya.

Ikinuwento din nito ang mga masasayang ala-ala nila ni Quiboloy na sinabi niya na “kilalang kilala” niya.

Hinimok din ni Abe ang kanyang mga followers na panoorin na lamang ang buong programa kung saan siya nag-walkout upang sila na ang humusga.

“Mahirap magkwento, mahirap magsalita ng ano.. baka iba ang maging dating sa inyo,” sabi niya.

Ngunit sa ngayon ay wala na sa internet ang nasabing episode.

Inamin naman ni Abe na wala na siyang kontrol kung burahin man ng SMNI ang nasabing video.

Wala pang sagot si Quiboloy sa pahayag ni Abe.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular