HomeCelebritiesMike Abe ibinunyag na agad siyang inalok ng trabaho matapos mag-resign sa...

Mike Abe ibinunyag na agad siyang inalok ng trabaho matapos mag-resign sa SMNI

Inamin ng beteranong mamamahayag na si Mike Abe na wala pang isang araw ay inalok na kagad siya ng bagong trabaho matapos siyang mag-resign at mag-walkout sa Sonshine Media Network International (SMNI) na pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaan na nagkasalungat ang opinyon ni Abe at Quiboloy tungkol sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na naging dahilan kung bakit sila nagkaroon ng debate na nagresulta sa pagbibitiw ng mamamahayag sa kanyang trabaho.

Sa kanyang live sa personal blog niya na MIKE ABE Opinions, ay ibinunyag ni Abe na mayroon na kagad gustong kumuha sa kanya bilang broadcaster.

“Kanina may tumawag sakin, nago-offer ng trabaho parang ayaw akong pagpahingahin, ‘sir dito ka, sir akong bahala sa’yo’ sabi ko ‘hindi pa, ano..’ tuloy ang trabaho, tuloy ang buhay, tuloy ang balitaan, tuloy ang mga analysis, tuloy ang mga opinyon, entitled po tayong lahat diyan,” sabi ni Abe.

Hindi naman ibinunyag ni Abe kung anong kumpanya ang gustong kumuha sa kanya.

Sinabi naman ng mamamahayag na magiging aktibo muna siya sa kanyang social media blog.

Hinimok naman niya ang mga followers niya na i-follow nalang ang kanyang personal blog kung gusto parin nila na marinig ang kanyang opinyon nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular