Home Celebrities Greco Belgica, nagpakita ng mga dokyumento na magpapatunay na tinulungan niya si Dr. Chao Yumol

Greco Belgica, nagpakita ng mga dokyumento na magpapatunay na tinulungan niya si Dr. Chao Yumol

0

Nagpakita ng mga dokyumento ang dating commissioner ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) na si Greco Belgica na magpapatunay na mali ang mga akusasyon laban sa kanya ni Dr. Chao-Tiao Yumol na suspek sa pag-atake sa Ateneo de Manila.

Matatandaan na nasawi nitong Hulyo 24 ang dating Mayor ng Lamitan na si Rose Furigay na target ni Yumol.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Belgica ang mga dokyumento na magpapatunay na ginawan niya ng aksyon ang mga sumbong sa kanya ni Yumol tungkol sa diumano’y korapsyon na nangyayari sa Lamitan, Basilan.

Sa unang dokyumento na ipinakita niya ay makikita ang sulat ni Belgica para kay dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año kung saan ay pinapa-follow-up nito ang sumbong sa kanya ni Yumol.

Mayroon itong received stamp na magpapatunay na natanggap nga ito ng opisina ni Año.

Larawan mula kay Greco Belgica

Makikita naman sa isa pang dokyumento ang mga akusasyon ni Yumol laban kay Furigay kasama na dito ang diumano’y paglalaro ng nasawing dating alkalde sa casino.

 

Larawan mula kay Greco Belgica

Matatandaan na nitong nakaraang taon ay kinasuhan ni Yumol si Belgica dahil diumano hindi nito inaasikaso ang reklamo niya laban kay Furugay.

Hindi pa nakakapagbigay ng desisyon ng Office of the Ombudsman sa nasabing kaso.

Facebook Comments