HomeCelebritiesDoc. Chao-Tiao Yumol, emosyonal habang nakaposas na nakikipag-usap kay Sen. Bong Go

Doc. Chao-Tiao Yumol, emosyonal habang nakaposas na nakikipag-usap kay Sen. Bong Go

Hindi napigilan maiyak ni Dr. Chao-Tiao Yumol matapos nitong ilabas ang kanyang sama ng loob sa pagtrato sa kanya diumano ng pamilya Furigay.

Matatandaan na si Yumol ang suspek sa pag-atake sa Ateneo de Manila nitong Hulyo 24 kung saan nasawi ang dating Lamitan Mayor Rose Furigay at dalawa pa.

Sa video na ibinahagi ni Maharlika, makikita si Yumol na ikinukuwento kay Senador Christopher “Bong” Go ang dahilan kung bakit niya nagawa ang pag-atake.

Ayon kasi sa kanya ay pinawalang-bisa ng korte sa Zamboanga ang kanyang ibinayad na piyansa kaya naman hindi siya makakapagtrabaho ng isang taon bilang doktor.

“Sakal na sakal na ko sir eh…” paumpisa ni Yumol. “Humingi naman ako ng tulong sa gobyerno lahat lahat nangako sila na tutulungan nila ako, nag-utos pa sila na bibigyan nila ako ng abogado pero wala naman,”

“Sobra ‘yung opression na ginawa sakin ng court sa Zamboanga.. lahat ng bail ko forfeit nila, na-operahan ako sa mukha, na-operahan ako sa ulo, ni-forfeit nila ang bail ko, hindi ako makakapagtrabaho ng isang taon ,” dagdag niya pa.

“Hindi ako masamang tao, gusto ko lang po ng gamot pero pinagbibintangan nila akong politiko,” sabi niya pa.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang opisina ni Go kung ano ang maibibigay nilang tulong kay Yumol.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular