Home Celebrities Sharon Cuneta, hiniling sa mga fans na suportahan si PBBM: “We have to pray for him and wish him only the best”

Sharon Cuneta, hiniling sa mga fans na suportahan si PBBM: “We have to pray for him and wish him only the best”

0

Sa gitna ng kanyang “Iconic” tour sa Amerika kasama si Regine Velasquez ay hiniling ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga fans na makisali na sa “unity” na isinisigaw ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Nagbigay ng kanyang mensahe si Sharon kay PBBM sa kanyang concert nitong Hulyo 15 sa Chicago.

“There is a new Philippine President. We have to pray for him and wish him only the best because we have to be united as a country and whoever the Filipino people have chosen, we have to respect, honor and pray for,” paumpisa ni Sharon.

Ayon kay Sharon ay isa itong pambihirang pagkakataon kay PBBM na malinis ang pangalan ng kanilang pamilya kaya naman hiling nito ang tagumpay ng pangulo.

“Because he has a rare chance of redeeming the name and we pray he does because it will be good for every Filipino. So let’s unite and let’s forget politics. Naka-move on na ‘yung mga kandidato, ‘yung iba hindi pa,” sabi pa niya.

Ito rin ang paniniwala ni Regine at sinabi na matagal ng tapos ang eleksyon.

“If we wish him na hindi siya maging successful de tayo rin ang kawawa so let’s just pray for him. Let’s support him,” sabi ng Asia’s Songbird.

“Right. Let us support and pray for him. Wish him all the best. All the best President Marcos,”  tugon ni Sharon.

Matatandaan  si dating Vice President Leni Robredo ang sinuportahan ni Regine at Sharon noong nakaraang kampanya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si PBBM sa mensahe sa kanya ng dalawang Kakampink celebrities.

Facebook Comments