Home Celebrities Pumanaw na security guard sa Ateneo, sinaluduhan ng mga netizens

Pumanaw na security guard sa Ateneo, sinaluduhan ng mga netizens

0

Inulan ng pakikiramay at pagsaludo ang security guard na isa sa nasawi sa pag-atake ni Dr. Chao Tiao Yumol sa Ateneo de Manila nitong Hulyo 24.

“Hindi lang siya isang security guard sa Ateneo. Tao siya… may pangalan siya. He deserves to be named and recognized,” sabi ng ilang netizens na humanga sa katapangan ng security guard.

Ang security guard ay nakilalang si Jeneven Bandiala na matapang na hinarap ang suspek imbis na takbuhan ito.

“He chose not to run from it, but towards it. What he did was heroic. And as someone with loved ones in Ateneo, I am indebted to him,” sabi ni Gian Lao.

Hindi naman naitago ng asawa ng security guard ang kalungkutan sa nangyari sa kanyang kabiyak na itinuturing ngayong bayani.

“Dong mamimiss k nmin ni nonoy ndi kn nmin makakasama habang-buhay …mahal n mahal kita….Wala aq masasabi sau sa kabaitan mo sa aming mag-ina…sorry sa lahat….pahinga kn MAMIMISS KITA JENEVEN DODONG…” aniya.

Samantala ay nag-umpisa ng isang fundraising ang mga miyembro ng Ateneo Law School Class of 2022 para mabigyan ng tulong ang pamilya Bandiala.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit P500,000 ang nagpaabot ng donasyon sa pamilya.

Kahit ang Ateneo ay nag-umpisa narin ng fundraising para matulungan ang pamilya ng kanilang bayaning security guard.

Hiwalay pa dito ang financial assistance na ibibigay mismo ng unibersidad sa pamilya Bandiala.

“The entire Ateneo de Manila community extends its sincerest condolences to Jeneven’s family and friends. The University is extending financial assistance to his loved ones at this difficult time.” sabi ng unibersidad.

Facebook Comments