HomeCelebritiesRenato Reyes sa unang SONA speech ni PBBM: "It is a very...

Renato Reyes sa unang SONA speech ni PBBM: “It is a very disturbing sign.”

Ibinahagi ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary-General Renato Reyes Jr. kung ano nga ba ang kanyang masasabi sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa kanyang mga tweet, pinuna ni Reyes ang diumano’y hindi pagbanggit ni Marcos sa human rights issues, pagtataguyod ng kapayapaan sa mga kalaban ng estado at paglaban sa korapsyon.

“Marcos finished his speech without any mention of human rights, pursuing peace and fighting corruption. These may not be among the priorities of his government. It is a very disturbing sign.” sabi ni Reyes.

Binanggit din nito ang mga maaring maging hadlang sa mga pangako ni Marcos Jr. sa kanyang SONA kasama na dito ang pagsagot sa kahirapan, reporma sa lupa, at pagpapatuloy ng Build, Build, Build.

“Nangako na ibababa ang poverty rate sa 9% na lang, pero walang malinaw sa pagtataas ng sahod, paglikha ng trabaho, pagwakas ng kontraktwalisasyon at pagbigay ng ayuda sa pinakamahirap. Kaya paano mababawasan ang mahihirap?”

“Nangako ng land reform pero walang banggit sa land conversion at Rice Tarrification Law na pumapatay sa agrikultura.

“Mukhang may dagdag na buwis pa sa digital services. Dagdag problema pa ang mandatory ROTC.

“Itutuloy at palalawakin daw ang Build Build Build na hihigop naman ng pondo mula sa serbisyong pangkalusugan at edukasyon. Hindi niya nabanggit na baon tayo sa utang, halos P13 trilyon na.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon ang MalacaƱang sa banat ni Reyes.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular