HomeCelebritiesPBBM, pinag-aaralan ang paglalagay ng nuclear power plant sa bansa

PBBM, pinag-aaralan ang paglalagay ng nuclear power plant sa bansa

Plano ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagdaragdag ng mga pagkukuhanan ng enerhiya sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga power plants at renewable energy.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ibinahagi ni Marcos ang kanyang plano tungkol sa enerhiya kasama na dito ang kanilang balak na pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa.

It is time to reexamine our strategy towards building nuclear power plants in the Philippines.” ani Marcos.

Nangako naman siya na susunod siya sa regulasyon ng International Atomic Energy Agency regulations.

Ayon kay Marcos ay mayroon ng mga teknolohiya ngayon upang makapagtayo ang bansa ng mas epektibo at ligtas ng Nuclear Power plant.

Hindi naman binanggit ni Marcos ang kontrobersyal Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na proyekto ng kanyang ama.

Matatandaan na inalok ang kasalukuyang administrasyon ng ibang bansa upang matignan kung maari pang mapakinabangan ang BNPP ngunit hindi parin ito sinasagot ni Marcos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular