Home Celebrities Unang SONA ni PBBM umabot ng isang oras at sampung minuto

Unang SONA ni PBBM umabot ng isang oras at sampung minuto

0

Hinangaan ng mga netizens ang talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa una nitong State of the Nation Address (SONA) na umabot ng isang oras at 18 na minuto.

Ayon kasi sa mga netizens ay wala silang nakita na kodigo sa talumpati ni Marcos na nagpapakita ng angking talino nito.

Matatandaan na si Marcos mismo ang sumulat ng kanyang magiging talumpati sa SONA

President BongBong Marcos isang oras ng nagsasalita ng walang kodigo sa SONA nya!!!” sabi ni netizen @joy_gallery.

Ayan na ang Pangulo! Wala nanamang kodigo,” sabi naman ni @__shestthatgirl.

Ngunit may ilan na sinabi na mayroong teleprompter sa tabi ni PBBM habang siya ay nagtatalumpati kaya’t posibleng ito ang binabasa ng pangulo.

Sa kanyang unang SONA ay nagsalita si Marcos tungkol sa mga plano niya sa Ekonomiya, Agrikultura, Turismo, Edukasyon, Kalusugan, Imprastraktura at iba pa.

Ibinagi din nito ang ilan sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng bansa kasama na ang pagtaas ng bilihin, pandemya at kung paano ito masosolusyunan.

Ilan sa mga pinalakpakan ng publiko ay ang balak nitong magtayo ng mga karagdagang specialized health centers sa labas ng Maynila katulad ng Heart and Lung Center.

Plano rin nito na magtayo ng mga nuclear plant sa bansa alinsulod sa regulasyon ng International Atomic Energy Agency regulations.

Nangako rin ito na hindi lamang ipagpapatuloy kundi palalawigin din ni Marcos ang Build, Build, Build programa na inumpisahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Facebook Comments