HomeCelebritiesPangulong Bongbong Marcos, magtatayo ng heart at lung center, children hospital sa...

Pangulong Bongbong Marcos, magtatayo ng heart at lung center, children hospital sa ibang bahagi ng bansa

Nakatanggap ng standing ovation si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong ipangako na magtatayo ito ng Lung Center, Heart Center, National Kidney Transplant Institute at National Children Hospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ibinahagi ni Marcos Jr. na ang mga nasabing proyekto ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay napapakinabangan parin hanggang ngayon ng taumbayan.

Kaya naman sinabi ni Marcos na mas mainam na magtayo pa siya ng mga karagdagang center sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang hindi na kailanganin pang pumunta ng taumbayan sa Manila.

FPGrfzTaAAEDCgi

Maliban dito ay magtatayo din ng karagdagang mga health center at hospital ang kasalukuyang administrasyon.

“The need for strong health care system is self-evident,” ani Marcos.

“Hindi lang dapat sa Metro Manila, kundi pati isa ibang parte ng bansa ang malalaking ospital. Maglalagay tayo ng mga clinic na pupuntahan ng mga doktor at iba pa parang maging mas madali ang pagpapagamot,” dagdag niya pa.

Nakatanggap naman ng isang minutong standing ovation ang kasalukuyang pangulo matapos niyang ilatag ang kanyang plano.

Ilang netizens naman ang nagustuhan ang plano ni PBBM.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular