Home Celebrities Netizen sinagot ang mga Kakampink na tinawag na ‘cosplayer’ si VP Sara Duterte sa kanyang kasootan sa SONA

Netizen sinagot ang mga Kakampink na tinawag na ‘cosplayer’ si VP Sara Duterte sa kanyang kasootan sa SONA

0

Hindi napigilan ng isang netizen na sagutin ang mga ‘Kakampink’ na tinawag na ‘entertainment’ at ‘cosplay’ ang kasootan ni Vice President Sara Duterte sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa ilang komento sa social media ay may ilan na nilait ang kasootan ng bise at tinanong kung bakit nakasoot ito ng ‘costume’ sa SONA.

Dahil dito ay sinagot ni netizen Grace Ballarta ang mga netizen na tila hindi alam kung ano nga ba ang soot ni Duterte.

Ayon kay Ballarta ay ang kasootan ng bise ay tradisyonal na damit ng mga Lumad sa Mindanao.

“Entertainment? Cosplay? We, people in Mindanao, especially in Davao City, support and preserve the tradition of our Lumad brothers and sisters. In fact, this August we are celebrating the Kadayawan Festival na sila ang bida.” ani Ballarta.

Sa ngayon ay umabot naman ng mahigit 8,000 shares ang nasabing post sa social media.

May ilang komento naman ang mga netizens sa nasabing post ni Ballarta.

“Culture yan gusto nyo kasi pormang Hypebeast,” sabi ni Christian Elijah.

“Yung mga keyboard warriors na wala talagang alam sa mga katutubo at tradisyon sila pa yung mga palakang maiingay pag umulan,” wika ni July Smith.

“Lol nakakahiya naman kayo. Di nyo alam yung traditional na kasuotan ng mga katutubo na naninirahan sa Mindanao. Tapos anlakas ng loob mambash kay ella kasi hindi alam ang history kuno. Sino ngayon ang mukang walang alam? Traditional na kasuotan ng mga katutubo natin is part of our Philippine culture and history. Yang. Sinasabi nyo cosplay…that is an insult to one of the things that symbolizes us as a filipino by wearing our traditional clothing.” komento naman ni Katherine Vidal.

Facebook Comments