Home Social Media Minalas? Pagsunog ng effigy ni PBBM hindi natuloy dahil lumakas ang ulan

Minalas? Pagsunog ng effigy ni PBBM hindi natuloy dahil lumakas ang ulan

0

Hindi natuloy ang pagsunog sa mga militanteng grupo sa effigy ni Pangulong Bongbong Marcos dahil sa biglaang pagsama ng panahon.

Nitong Lunes, Hulyo 25 ay balak sanang sunugin ng mga nasabing grupo ang effigy bilang kanilang tradisyon taon taon upang ipakita ang kanilang pagkadismaya sa pamumuno ng mga nagiging lider ng bansa.

Madalas itong mangyari tuwing State of the Nation Address (SONA) ng mga pangulo.

Ngunit dahil sa sama ng panahon ay hindi nila masunog sunog ang nasabing effigy ni PBBM kaya naman ang ginawa na lamang nila ay itinulak-tulak ito para masira.

“Duterte, Marcos walang pinagkaiba!” sigaw ng mga militante habang sinisira nila ang effigy ng kasalukuyang pangulo.

Matagumpay naman nilang nasira ang effigy.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa video:

“Nakakatawa naman yung nakapayong.. ang tapang tapang mag rally pero takot sa ulan,” sabi ni Angelo Jabagat.

“Natatawa talaga ako kanina ko pa tinitigan yung mukha e hindi talaga kamukha ni President BBM. Hahaha!” komento ni Jamaica Jacob.

“Makaramdam n kayo..pati langit ayaw n sumang ayon sa kalokohan nyo..napagod nrin or naawa n sa inyo..gusto n kayong pagpahingahin ng maaga..stop na plssss,” wika ni Carlos Gonaga.

Nitong 2016 lamang tila hindi nagkaroon ng effigy ang mga militante sa unang SONA ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang pakikiisa nila sa ‘kapayapaan’.

Ngunit nitong 2017 ay muling ibinalik ng mga nagra-rally ang kanilang mga effigy.

Facebook Comments