HomeCelebritiesMga kaibigan ni Dr. Chao Yumol nagbigay ng reaksyon sa ginawa nito:...

Mga kaibigan ni Dr. Chao Yumol nagbigay ng reaksyon sa ginawa nito: “Nilagay mo na sa kamay ang batas”

Ilang mga kaibigan ng suspek sa pag-atake sa Ateneo de Manila University na si Dr. Chao-Tiao Yumol ang nagbigay ng kanilang mensahe sa doktor.

Matatandaan na ang nasabing isidente ay nagresulta sa pagkasawi ng dating alkalde ng Lamitan at iba pang mga dumalo sa nasabing graduation.

Ipinaabot nila kay Yumol ang kanilang mensahe sa pamamagitan ng pagpo-post sa timeline ng doktor.

Eto ang ilan sa mga mensahe ng ipinarating ng mga kaibigan ni Yumol sa kanya:

“Doc sana masuklian ng gobyerno kung ano ang pinaglalaban mo. To the point na ikaw na nilagay mo na sa kamay ang batas. Mag iingat po kayo palagi, sana gabayan kayo ng Panginoon habang andyan kayo sa loob. Alam po namin na kaibigan mo na ginawa mo yan para sa bayan. Nakakalungkot lang po. Sana di po masayang ang pagsakripisyo nyo.” sabi ni netizen Leonilyn Torralba.

“Doc nalungkot ako sa nangyari sayo. Sana po makuha nyo ang tunay na hustisya. Pakatatag lang po kayo. May awa po ang ALLAH swt. Marami po kaming nagmamahal sayo.” wika ni Saliha Umpar.

“Doc bakit po?” “Chao bat mo ginawa ‘yun?” Sabi ng dalawa pang kaibigan ng doktor.

Samantala ay may isang kaibigan pa ang doktor na sinabi na tama lamang ang ginawa nito at tamang tama rin ang pinili nitong lugar.

“I am very glad of the venue of choice of Dr. Yumol choosing the ground of thee Burgis university for him to take justice by his own hand. Ateneo is one of those neo-colonialism leftover of the West who does nothing but to undermine the Filipino people producing corrupt politicians generation to generation that has no love whatsoever to the people they suppose to serve. Dr. Chao-Tiao Yumol is the hero we the Filipino people long deserve.” mensahe ni Jaime Domingo.

screencap 2022 07 25 at 9.49.04 PM

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Yumol tungkol sa kung paano nila haharapin ang kanilang kaso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular