HomeSocial MediaMaharlika, inulan ng batikos matapos mag "stay strong" kay Dr. Yumol: "Anong...

Maharlika, inulan ng batikos matapos mag “stay strong” kay Dr. Yumol: “Anong klaseng utak meron kayo?”

Inulan ng batikos sa Twitter ang blogger na si Maharlika matapos nitong ipagtanggol ang kanyang kaibigan na si Dr. Chao Tiao Yumol na pangunahing suspek sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila nitong Hulyo 24.

Matatandaan na isa si Maharlika sa nagpakita ng suporta kay Yumol na tumapos sa buhay ng tatlong indibidwal kasama na dito si dating Lamitan City Mayor Rose Furugay at security guard sa Ateneo na si Jeneven Bandiala.

“Stay strong, Doc! Baka ngayon mapansin na ng gobyerno ang ipinaglalaban mo!” ani Maharlika.

“Sumisigaw ng hustisya si Doc Chao-Tiao Yumol para sa bayan ng Lamitan. MAy dahilan kung bakit nabuhay si Doc. Ito ang malaking hamon ngayon sa Administrasyon ni PBBM. Imbestigahan at panagutin ang lahat ng sangkot sa kurapsyon sa Lamitan,” sabi pa nito.

maralika 2

Binatikos din ni Maharlika ang Ateneo at humingi ito ng patas na imbestigasyon.

“Kailangan imbesitahan ng patas ang insidente sa Ateneo. Biktima nga ba ang mga biktima o suspect nga ba ang suspect? O pare-pareho silang biktima at suspect? Itanong natin kay Greco Belgica baka alam niya?” aniya.

“PS. Dapat kasama si Greco Belgica sa imbestigasyon. Kasali ka dito sa isyu ni Furigay at Doc Yumol, huwag kang lumabas sa picture!” dagdag niya pa.

maharlika 3

Hindi naman nagustuhan ng mga nasa Twitter ang mga mensahe ni Maharlika.

“Pumatay ang táong ito. Tatlo. Tapos “stay strong”? Anong klaseng utak meron kayo?” sabi ng manunulat na si Jerry Grácio.

“That Maharlika Facebook page is full of nutjobs who think it’s okay to take the law into their own hands. Might as well go anarchy if this is how you want it to go down.” sabi pa ni @liminjoshua.

Matatandaan na si Maharlika din ang bumatikos noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pagsuporta kay Pangulong Bongbong Marcos nitong kampanya.

READ MORE: Blogger na si Maharlika may banat kay Pangulong Duterte: Mukhang na-overdose na si Tatay

Nakakaawa po kayo dahil wala na sa ayos ang inyong mga sinasabi. Bawat bukas ng bibig niyo, puro basura na po ang lumalabas at paninira.” sabi ni Maharlika noon kay Duterte.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular