Home Celebrities Greco Belgica, nagsalita sa pagkahuli kay Dr. Chao Yumol: “Mga kababayan, wag mag pauto, alamin ang totoo!”

Greco Belgica, nagsalita sa pagkahuli kay Dr. Chao Yumol: “Mga kababayan, wag mag pauto, alamin ang totoo!”

0

Nagsalita na ang dating commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na si Greco Belgica matapos mahuli si Dr. Chao-Tiao Yumol dahil sa pagpaslang nito sa dating Mayor ng Lamitan, Basilan na si Rose Furigay.

Nitong Hulyo 24 ay nagimbal ang taumbayan ng mapaslang ang alkalde sa mismong graduation ng mga law students sa Ateneo de Manila University.

Lalo pang nagulat ang mga netizens ng malaman na ang suspek ay si Dr. Yumol na kilala sa Lamitan sa kanyang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya doon.

Ilan naman sa mga sinisisi ng mga netizens si Belgica dahil sa ito ang ilang beses hiningan ng tulong ni Yumol tungkol sa nangyayari diumanong korapsyon sa Lamitan.

Umabot sa punto na kinasuhan ni Yumol ang dating commissioner sa Office of the Ombudsman dahil hindi diumano pinansin ni Belgica ang sumbong niya tungkol sa mga Furigay.

Sa kanyang Facebook post naman nitong Linggo ay hinimok ni Belgica ang taumbayan na alamin ang katotohanan at huwag basta magpapaniwala sa mga sinasabi ng doktor.

“Unang tingin mo palang sa mukha ng pinatay at pumatay alam mo na kung sino ang nagsasabi ng totoo.” paumpisa ni Belgica.

“Para lang po inyong malaman, inabangan nya sa graduation ng anak yung babae, pinatay nya pati mga kasama nito at ung gwardya na walang kamalay malay, tapos tinakbuhan nya pagtapos nyang patayin, pero nakasagasa sya kaya sya nahuli at binugbog ng mga tao at inabutan ng mga pulis. Yan ba ang mabuting tao, may prinsipyo, nag sasabi ng totoo, at may tino sa isip? Bakit nya pinatay kung matino ang pag iisip nya? Bakit nya tinakbuhan kung totoo ang sinasabi nya? At bakit wala syang pagsisisi kung normal syang tao?

“So paano ngayon sasagot yung tao sa kanyang mga paratang? Paano kung hindi totoo ang sinasabi nya at pawang pagbibintang lang? Paano natin ngayon malalaman ang katotohan? E pinatay na nya ang kanyang inaakushan. Babae pa, patraydor, at pati inosenteng gwardya at alalay dinamay nya. At ngayon sisigaw sya ng droga at korapsyon? Pano pa sya papaniwalaan sa ginawa nya? E matagal na pala silang may away nyang mga yan.

“Paano kung ginagamit lang nya ang media, social media at gobyerno para sa sarili nyang interes para ipitin ang kanyang mga kalaban? Paano ito mapapatunayan e pinatay na nya ang kanyang inaakushan? At hindi na natin maririnig ang sagot ng kanyang inaakushan.

“Mga kababayan, wag mag pauto, alamin ang totoo at tingnan ang kanilang pagkatao at ugali kung mapagkakatiwalaan ba ang kanilang salita. Dahil baka magaling lang mag salita ay maloko po tayo.

“Walang sinuman sa atin ang may karapatang kumuha ng buhay at ilagay ang batas sa kanilang mga kamay. Korte lang po ang makapagsasabi nyan at ang Diyos. At ang proseso natin sa korte ang proteksyon nating lahat para matagpuan ang katotohanan kahit gaano ito kabagal.

“Kaya pakiusap po sa ating pamahalaan, pabilisin at palakasin ang justice sector para hindi na maulit ang ganito. Naghahanap ang tao ng katarungan at katotohanan sa mabilis na panahon. Paki dagdagan po ang pondo ng justice sector para we can build more courts and hire more judges, prosecutors, investigators and law enforcers. Pabilisin nyo po ang proseso para mawala ang delays sa korte, at gawin nyo pong transparent ang imbistigasyon para alam ng tao ang totoo.

“Katarungan ay pundasyon ng matibay, malakas at maunlad na bayan.

Inulan parin ng batikos si Belgica kahit na nagpaliwanag na ito at dahil dito ay nagdesisyon siya na isara na lamang ang comment section ng nasabing post.

Facebook Comments