Home Celebrities Doktor Chao Yumol, may mensahe: “Walang pagsisi ko gagawin ulit ang lahat ng ginawa ko para sa bayan,”

Doktor Chao Yumol, may mensahe: “Walang pagsisi ko gagawin ulit ang lahat ng ginawa ko para sa bayan,”

0

Sikat na sikat ngayon sa social media ang mga lumang post ni Dr. Chao-Tiao Yumol na suspek sa pagpaslang sa dating Lamitan, Basilan Mayor Rose Furigay at ilan pang biktima.

Nitong Nobyembre 4, 2020 ay humingi ito ng tulong sa mga kaibigan niya sa social media dahil sa pagbabantang natanggap niya dahil sa pagbubulgar niya ng mga iligal na gawain sa Lamitan.

“Nakulong na ako, nabaril, at ngayon ang pinakabagong banta sa buhay ko, walang pagsisi ko gagawin ulit lahat ng ginawa ko para sa bayan ko kung kinakailangan.” paumpisa ni Yumol.

Tinanong din nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan ito gagawa ng aksyon ang mga isinumbong niya.

“Nangako ka na tutulungan mo ang lahat ng magsisiwalat ng isyu ng korapsyon, nasaan po kayo? Konting konti na lang kame lumalaban.” sabi niya pa.

“Kailan mo ako haharapin at ipapakita sayo ang mga ebidensyang ito? Babaunin ko po ba sa hukay ko ito?” dagdag niya pa.

Ikinuwento din nito kung paano niya nakuha ang black eye sa mukha na kanyang ibinahagi sa social media.

“November 3 ng hating gabi sa tapat ng bahay namin sa Quezon City pagbaba ko ng sasakyan, bigla na lang may lumapit na lalake na nakaitim at hinampas ako ng matigas na bagay sa mukha, pagkabagsak ko ang sabi, “LAST WARNING MO NA YAN GALING SA MAG-ASAWANG FURIGAY.” kwento niya.

“Nasa mabuti po akong kalagayan ngayon at nagpapagamot sa isang ospital, base sa result ng city scan ko madaming buto sa aking mukha ang basag at kailangan akong operahan.

“Sa ngayon hindi ako makapagtrabaho dahil nasa Maynila ako tinulungan lang ako ng mga kaibigan kong doctor.

“Hindi ko pa din alam saan hahagilapin ang pambili sa mga bakal na ilalagay sa buto ko, pero hindi po ako mamalimos sa inyo.

Hiniling na lamang nito na ibahagi ng mga netizens sa social media ang kanyang mensahe.

Mga larawan mula kay Dr. Chao-Tiao Yumol

Sa isa pang Facebook post ay sinabi pa ni Yumol na ang kanyang kinaharap na mga kaso ay tanda ng kanyang pakikipaglaban sa korapsyon na nangyayari sa kanyang lugar.

“When this fight is over, this magshot will hang on my clinic wall as a testament of this struggle to liberate Lamitan and its people against 2 decades of corrupt politicians who drained public funds dry that even the most basic of services are denied from the poorest of the poor.” sabi niya.

Sa ngayon ay haharap sa patong patong na reklamo si Yumol dahil sa paglalagay ng batas sa kanyang kamay.

Facebook Comments