Home Celebrities Afam na iniwan ng asawa at ibinenta lahat ng ari-arian nila, ni-rescue ng mga netizen

Afam na iniwan ng asawa at ibinenta lahat ng ari-arian nila, ni-rescue ng mga netizen

0

Nakakapanlumo ang sinapit ng isang foreign national na nakitang pagala gala sa Barangay Mactan, Lapu Lapu City nitong nakaraang Linggo.

Ibinahagi ni netizen Samboy Regla ang sinapit ng Russian national na nakitang natutulog na lamang sa harapan ng isang convenience store sa nasabing barangay.

Agad namang tinulungan ng alkalde ng Lapu Lapu City na si Junard “Ahong” Chan ang nasabing foreigner na si Yuri ayon sa kwento ay iniwan ng kanyang asawang Pilipina.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Chan ang kanilang nakuhang impormasyon mula sa nasabing ‘Afam’ at kung bakit nga ba nauwi ito sa pagiging palaboy.

Ayon sa kwento ay iniwan siya ng kanyang dating partner nakilalang si Mary Rose May Fuentes.

Dala dala ni Fuentes na tumakas na papuntang Mindanao ang lahat ng pera at dokyumento ng foreigner kasama na ang pasaporte nito.

Ibinenta rin diumano ni Fuentes ang lahat ng ari-arian na naipundar ng foreigner dito sa Pilipinas.

“Yesterday Sunday morning, we instructed our DRRMO Team members to rescue this foreigner whom they rushed to our Carajay Public Hospital for check-up on his condition.” sabi ni Chan sa salitang Cebuano.

“Our nurses and emergency responders found out she was feeling pain in her left arm and found some swelling. The nurses really cared for her and given the needed medicine but upon the return of our staffs monitoring her, she was already picked up and discharged from the hospital by her landlady in her rented boarding house in Brgy Pusok.” dagdag niya pa.

Pinadalhan din nila ng pagkain si Yuri at inalok din nila ito na makabalik sa kanyang bansa.

Tila ayaw naman nitong umuwi sa kanyang bansa at umaasa na magkakabalikan pa sila ng kanyang asawa at makikitang muli ang tatlo niyang mga anak.

“According to his neighbors, he probably still expects his wife to come back and be reunited with his three children.” sabi pa ng alkalde.

Facebook Comments