HomeCelebritiesVIP na matapang na hinarang ng isang motorista, Mayor pala sa Cavite

VIP na matapang na hinarang ng isang motorista, Mayor pala sa Cavite

Ipinatawag na ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng SUV na hinarang ng isang motorista dahil sa sinubukan nitong mag counterflow sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Silang Cavite.

Matatandaan na hindi pinagbigyan ng netizen na si Miguel Dindore ang VIP security escort na sinusubukan na mag counterflow sa kanyang linya.

Hindi naman pumalag ang motorcade at hindi na nila tinangkang mag counterflow.

Napag-alaman na ang binabantayan pala ng mga VIP security ay isang alkalde sa Cavite na hindi pinangalanan ng Highway Patrol Group (HPG).

Nilinaw naman ng HPG na hindi nila hinuli ang rider na kasama sa VIP security escort kundi binigyan muna ng ticket dahil sa isang traffic violation.

Ngunit pinag-aaralan nila ang pagsasampa ng kaso laban sa nasabing rider dahil sa gumagamit ito ng sticker ng HPG.

“Pinag-aaralan na rin ng HPG ang pagsampa ng kaso laban sa naturang rider sa kaniyang paglabag sa Article 177 at 179 ng Revised Penal Code kung saan ipinagbabawal ang “usurpation of official function” at ang paggamit ng anumang logo o insignia ng walang pahintulot.” ayon sa pahayag ng HPG.

“Ang SUV ay irereport ng HPG sa LTO upang kanilang mapadalhan ng “show cause” order ang may-ari nito.” dagdag pa nila.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang alkalde sa kontrobersiya na kinakaharap niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular