Home Celebrities Suspek sa insidente sa Ateneo, naglabas ng sama ng loob noon kay Greco Belgica

Suspek sa insidente sa Ateneo, naglabas ng sama ng loob noon kay Greco Belgica

0

Ikinagimbal ng DDS-BBM community ang pagkakahuli kay Dr. Chao Tiao Yumol na suspek sa pag atake sa Ateneo de Manila University nitong Hulyo 24 na nagresulta sa pagkasawi ng dating alkalde ng Lamitan City na si Rose Furigay.

Nakilala si Yumol sa kanyang pagiging kritiko ng mga Furigay sa Lamitan at umabot pa ito sa punto na nakasuhan siya ng 26 counts ng cyberlibel dahil sa kanyang mga post tungkol sa korapsyon sa nasabing siyudad.

Naglabas naman ito ng sama ng loob kay dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica dahil sa diumano’y nangyaring pag-uusap sa pagitan nila at ng mga Furigay.

Sa kanyang video noong Nobyembre 2021, binatikos ni Yumol sila Belgica dahil sa diumano’y nangyaring closed door meeting sa pagitan ng dating commissioner at ng nasawing opisyal.

Ayon sa kanya ay ilang beses niyang kinausap si Belgica tungkol sa nasabing isyu ng korapsyon sa Lamitan ngunit hindi diumano ito pinaniwalaan ng dating commissioner.

“Napakarami po naming complainant ang binastos ng ganito ni Greco Belgica, kinuha niya lang ang ebidensiya, hinarap sa mga kalaban namin, pinasagot..” sabi ng doktor.

“It should not been the case kasi ang mga sinusumbong ng mga complainant sa opisina ni Greco Belgica ay mga biktima, ito ay ‘yung mga taong walang lakas, ito ay mga walang kapangyarihan, ang mga nagsusumbong sa gobyerno ay mga walang pera, walang kapangyarihan,” dagdag niya pa.

Umabot naman sa punto na kinasuhan na ni Yumol si Belgica sa Office of the Ombudsman dahil sa diumano’y hindi nito pagpansin sa korapsyon na nangyayari sa Lamitan.

Ilang beses pang nag-post ng mga video si Yumol sa social media tungkol kay Belgica at sa mga Furigay bago mangyari ang pag-atake sa Ateneo.

At nito ngang Linggo, Hulyo 24 ay tila inilagay na ni Yumol ang batas sa kanyang mga sariling kamay at tinapos nito ang buhay ng dating alkalde ng Lamitan.

Hindi naman kumpirmado kung ito nga ba ang dahilan kung bakit niya ito nagawa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Belgica tungkol sa nangyaring insidente.

Facebook Comments