HomeCelebritiesMapagkawanggawa! Doktor na umatake sa Ateneo, itinuturing na bayani sa Basilan

Mapagkawanggawa! Doktor na umatake sa Ateneo, itinuturing na bayani sa Basilan

Usap-usapan ngayon sa social media si Dr. Chao-Tiao Yumol na suspek sa nangyaring sa Ateneo de Manila University nitong Hulyo 24.

Inulan naman ng batikos si Yumol dahil sa kanyang ginawa na nagresulta sa pagkasawi ng dating alkalde ng Lamitan na si Rose Furigay at aide nito.

Ngunit may ilan na nakuha ang simpatya ng suspek lalo na’t itinuturing pala itong isang bayani dahil sa kanyang mga medical mission sa mga mahihirap na lugar sa Mindanao.

Sa ilang larawan sa social media ay makikita ang mga nabigyan ng serbisyong medikal ni Yumol.

70833829 2608926119129334 3467641828969283584 n

Ipinaliwanag naman niya sa isang post noong 2018 kung bakit niya ginagawa ang mga nasabing medical mission.

Eto ang kanyang paliwanag:

“Doc bakit mo ginagawa ang libreng check up? Medical Mission at panghihingi ng mga donation para sa taga Basilan?”

Everytime someone from my own province gets the chance to talk to me on a personal level i would always get asked this question. ALWAYS.

Its an honest question from my kababayan pero nakakalungkot din, hindi nakakalungkot para sa akin kundi para sa mga kababayan ko, ganito na sila mag-isip, masyado na silang nasanay sa kabutihang may kapalit.

Sinanay ng sistema dito sa probinsya na kapag binigyan ka ng gamot, bag, lapis,laruan,pera o bigas, may kapalit yan sa araw ng eleksyon.

35295668 1895172857169797 9150777881142493184 n

Pwede nating mahalin ang kababayan natin ng walang kapalit. Tao tayong lahat. Moral
Obligation natin ang alagaan ang isat-isa. Di ba yun ang tinuturo sa bibliya? Qur-An o ano pa mang sekta ang kinabibilangan mo. Pero sadya bang nakakapagtaka ang makakita ng taong tumutulong na hindi ka hihingan ng kapalit? Voters id? cedula? O konting pang meryenda?

Pilipino ka, nalimutan mo na ba ang mga turo ng guro natin noon sa paaralan? Ang kahulugan ng bawat salita sa Lupang Hinirang?

Hindi ako titigil sa ginagawa ko hanggat masaya ako. Pero pag di na ako masaya hihinto na ako, dahil ayaw kong magpanggap na bukal sa loob ko ang ginagawa ko pero napipilitan na lang pala ako.

Magpasalamat na lang, wAg na akong kwestiyonin. Ipasa mo ang kabutihan sa kapwa mo, wag mo hanapan ng dahilan ang natanggap na kabutihan mula sa iba.

Mahaba ang bakasyon ngayong Undas, mag-isip tayo ng kahit na isang kabutihan para sa kapwa natin, at gawin natin. Kahit isa lang, ng walang hinihiling na kapalit, sa Diyos o sa kapwa natin.

Goodnight.”

Ilang netizens din ang nagpakita ng suporta sa doktor ng siya ay mahuli dahil sa patong patong na cyberlibel case.

Samantala ay nakikita naman ng mga otoridad na ang alitan sa pagitan ni Yumol at ng pamilya Furigay ang naging dahilan kaya nagawa ng doktor na tapusin ang buhay ng dating alkalde.

“Initially, sa pagtatanong namin sa kanya mayroon na silang away sa Lamitan… nagpapalitan na sila ng kaso kaya lumalabas personal ang away nila,” sabi ni QCPD director Police Brigadier General Remus Medina.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular