HomeCelebritiesLolit Solis isinugod sa ospital matapos hindi makapagsalita: "Tinablan na ako ng...

Lolit Solis isinugod sa ospital matapos hindi makapagsalita: “Tinablan na ako ng sumpa ni Bea Alonzo!”

Hindi muna lalabas sa kanyang online show ang beteranong kolumnista at talent manager na si Lolit Solis matapos itong isugod sa ospital.

Sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal nitong Hulyo 23, ay ikinuwento ni Lolit na napansin na ng mga kasama niya sa bahay na hindi siya makapagsalita ng maayos kaya naman dinala na siya sa pinakamalapit na pagamutan.

“Hindi ako makapagsalita kaya dinala na nila ako sa ospital.” sabi ni Lolit.

Matagumpay naman na nailigtas ng mga doktor ang buhay ng kolumnista at pinayuhan siya na magpahinga muna sa lahat ng kanyang trabaho.

Hindi naman daw siya titigil sa kanyang pagpo-post sa social media.

“Mang-iintriga na lang ako nang mang-iintriga sa Instagram. Pag nawala yung Instagram ko, Diyos ko naman, talagang magde-deteriorate na ako,” sabi pa niya.

Hindi niya binanggit kung ano ang eksaktong karamdaman niya.

Sa kanyang latest Instagram post naman ay tinawag ng kanyang mga kaibigan na “sumpa” mula kay Bea Alonzo ang kanyang karamdaman.

“Tinablan na ako ng sumpa ni Bea Alonso, Salve, hah hah hah joke joke ni Leo Espinosa.” sabi ni Lolit.

Matatandaan na ilang beses binatikos ng kolumnista si Bea gamit ang kanyang Instagram.

Nagpasalamat naman ito sa kanyang mga kaibigan na nagpadala ng mensahe at regalo sa kanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular