HomeSocial MediaDoctor Chao-Tiao Yumol, nahuling suspek sa nangyaring insidente sa Ateneo de Manila

Doctor Chao-Tiao Yumol, nahuling suspek sa nangyaring insidente sa Ateneo de Manila

Kinumpirma ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek sa nangyaring insidente sa loob ng Ateneo de Manila University kung saan nasawi ang dating Mayor ng Lamitan City, Basilan at ang aide nito.

Sa pahayag ng PNP, sinabi nila na ang suspek sa nangyaring pag-atake ay si Chao-Tiao Yumol na isang doktor na nakatira din sa Lamitan at kilalang kritiko noon ni dating Vice President Leni Robredo.

294505078 5186406821466669 7991703813441354626 n

Matatandaan na si Yumol ang nagsampa noon ng graft charges laban kay dating Lamitan Mayor Rose Farugay at kanyang asawa na si Roderick Farugay na kasalukuyang namumuno ngayon sa nasabing siyudad.

Inulan naman ito ng demanda noong 2019 dahil sa pagpo-post nito ng mga katiwalian diumano ng dating alkalde gamit ang kanyang social media.

Binigyan noon ng korte na makapag piyansa si Yumol sa halagang PHP2,080,000.

Hindi naman malaman kung ang galit niya nga ba sa pamilya Farugay ang naging dahilan kung bakit niya inatake ang Ateneo de Manila.

Matatandaan na ilang beses din nag-viral sa social media ang doktor dahil sa kanyang pambabatikos kay Robredo.

chao yumol 1

Kilala din ito sa kanyang pagtulong sa mga mahihirap sa Lamitan sa pamamagitan ng kanyang pagiging doktor.

Ilang netizens din noon ang humingi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng tulong dahil sa ginagawa diumanong pangigipit kay Yumol dahil sa pagiging kritiko nito sa mga politiko sa nasabing siyudad.

Nitong nakaraang dalawang Linggo ay inulan pa ito ng pagbati mula sa mga netizens dahil sa tila nagkaroon ito ng posisyon sa gobyerno ngunit hindi na ito nakumpirma pa ng doktor.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Yumol sa nangyaring insidente.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular