Home Social Media Dating alkalde ng Lamitan City, Basilan nasawi sa pag-atake sa Ateneo de Manila

Dating alkalde ng Lamitan City, Basilan nasawi sa pag-atake sa Ateneo de Manila

0

Nasawi ang dating alkalde ng Lamitan City na si Rose Furigay matapos itong atakihin ng isang lalaki sa gitna ng graduation ng mga law students sa Ateneo de Manila nitong Linggo, Hulyo 24.

Sa ilang ulat ay nasa Ateneo de Manila si Furigay upang samahan ang kanyang anak na magtatapos ng Law sa nasabing unibersidad.

Ilang larawan sa social media ang nagkumpirma sa nangyari sa dating alkalde.

Hindi rin nakaligtas ang aide ng dating alkalde na si Victor Capistrano.

Ayon naman sa Barangay Loyala Heights ay nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa pang biktima na isang guwardiya na nagtatrabaho sa Ateneo at isang bystander.

Sinubukan pang tumakas ng suspek mula sa Varsity Hills Subdivision sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader saka sumakay sa kanyang getaway vehicle.

Ngunit bigo itong makatakas matapos siyang makorner ng mga kapulisan sa B. Gonzales sa Katipunan.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Furigay tungkol sa isyu.

Hindi pa malaman kung may kinalaman nga ba sa politika ang nangyari at kung ang dating alkalde nga ba ang target ng suspek.

Matatandaan na ipinasa ni Furigay ang kanyang dating pwesto bilang alkalde sa kanyang asawa na si Roderick Furigay na hindi pa kumpirmado kung nasa mismong graduation din.

Facebook Comments