HomeCelebritiesRider na kasama sa VIP escort na hinarang ng isang motorista, himas...

Rider na kasama sa VIP escort na hinarang ng isang motorista, himas rehas dahil sa nagpanggap itong HPG

Hinuli ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang rider na nakitang escort ng isang VIP sa kahabaan ng Aguinaldo highway sa Silang, Cavite.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang nasabing VIP escort dahil sa hinarang sila ng isang motorista na ayaw silang pagbigyan na makapag-counterflow.

Naglabas naman ng pahayag ang HPG at sinabi na hindi nila kasapi ang rider na kasama ng VIP.

“Para po sa kaalaman ng ating publiko nahuli na po ang nasabing rider. Hindi po tinotolerate ng HPG ang ganitong klase ng pag labag o pag suway sa batas.” sabi ng HPG sa kanilang pahayag.

Ipinaalala naman ng HPG na ipinagbabawal ng batas ang paggamit ng kanilang mga logo o insignia upang palabasin na miyembro sila ng nasabing ahensya.

“Tandaan, ang HPG Breeches (pants) ng Police Commissioned Officer (PCO) ay may color yellow lining at sa mga Police Non-Commissioned Officer naman ay may red lining Kaya hindi po miyembro ng HPG ang rider na inyong nakita sa viral video base sa kanyang suot na breeches uniform. Maraming salamat po!” sabi pa nila.

Samantala ay sinabi ni Miguel Dindore, ang motorista na humarang sa VIP motorcade na hindi niya ineenganyo ang publiko na gayahin ang kanyang ginawa.

Ang gusto niya lamang daw ay hindi na maulit pa na mayroong mga tao na porket mayroon silang wangwang ay magagawa na nila ang lahat ng gusto nilang gawin sa daan.

“Pag hahayaan natin laging mananaig ang takot satin, paano magbabago ang bansa natin? Paano magiging maayos,” sabi pa ng motorista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular