Home Celebrities Pokwang may mensahe sa gitna ng paglalabas ng saloobin ni Ella Cruz sa kanya: “May mga naghirap na noon pa para sayo”

Pokwang may mensahe sa gitna ng paglalabas ng saloobin ni Ella Cruz sa kanya: “May mga naghirap na noon pa para sayo”

0

Nagbigay ng isang maikling mensahe ang komedyante na si Marietta Subong sa gitna ng paglalabas ng sama ng loob sa kanya ng aktres na si Ella Cruz.

Matatandaan na sinabi ni Ella sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na nasaktan siya sa sinabi ni Pokwang na naging kasamahan niya noon sa teleserye ng ABS-CBN noong 2012 na ‘Aryana’.

“Hindi ko po inasahan na masasabi niya ‘yon. Naging nanay ko po kasi siya eh… Okay lang yung isang tweet, pero tatlo po kasi yung nakita ko eh… yung pangalawa, OA na… below the belt na…” sabi ni Ella.

Dahil dito ay hindi naiwasan ng ilang mga tagasuporta ni Ella na batikusin si Pokwang dahil sa ugaling ipinakita nito sa kanyang anak-anakan.

Sa gitna naman ng isyu ay nagbigay ng paalala si Pokwang.

“Kaya ang gaang ng buhay mo ngayon, kaya ka malayang nakakasigaw ngayon kasi may mga naghirap na noon noon pa para sayo at sana wag mo iwaglit yan sa puso at isip mo.” sabi ng komedyante.

Hindi naman malaman kung ito nga ba ang kanyang tugon sa mga pahayag sa kanya ni Ella na naging kontrobersyal dahil sa pagkukumpara nito sa History at Tsismis.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng reaksyon sa post ni Pokwang.

“If your going to talk about history, make sure that they let people know what really happened that time. Historian itself are not trustworthy. Don’t worry we don’t forget those people who sacrifice without even recognize by their work.” sabi ni @almogenDanylyn.

“Dyan pumapasok yung, its like chismis. May dagdag at bawas ang bawat storya. Depende sa gusto ipakita at kung sino ang nanalo ng panahon na yon. Maaring naganap nga isang pangyayari pero walang nakakaalam ng katotohanan kasi wala naman tau mismo sa pinangyarihan,” wika naman ni @silverbolt02.

 

Facebook Comments