HomeCelebritiesNetizens, inalala si Sarah Balabagan matapos hilingin ni Arnold Clavio na huwag...

Netizens, inalala si Sarah Balabagan matapos hilingin ni Arnold Clavio na huwag ‘babuyin ang kasaysayan’

Viral sa social media ang opinyon ng beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio tungkol sa pelikulang ‘Maid in Malacañang’ ni Direk Darryl Yap.

Matatandaan na sa kanyang post nitong Hulyo 11 ay kinuwestiyon ni Clavio kung ang nasabing pelikula ba ay isang hakbang upang baguhin ang kasaysayan tungkol sa pamilya Marcos na matatandaang pinatalsik noon ng EDSA Revolution.

Ilan sa mga pinuna ni Clavio ay ang tila pagpapakita ni Yap sa pelikula na ang mga sumugod sa Malacañang ay may dalang sulo kahit na hindi naman ito ang nangyari noong panahon ng EDSA 1.

“Hindi ko matatanggap na matapos ang tatlong dekada ay babastusin ang paniniwala at paninindigan kong iyon ng ilan para lang mag-angat ng bangko kay Pangulong Marcos. Huwag ninyo namang babuyin ang kasaysayan.” sabi ni Clavio.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing post ni Clavio.

Ngunit tila hindi naman nakaligtas si Clavio sa mga tagasuporta ni Marcos na inalala muli ang isa sa mga pinakamatinding kontrobersiya na tumama sa mamamahayag.

screencap 2022 07 24 at 5.24.15 AM

screencap 2022 07 24 at 5.26.38 AM

screencap 2022 07 24 at 5.26.07 AM

Sa ilang post sa social media ay binanggit ng ilang netizens ang rebelasyon noon ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sarah Balabagan-Sereno na nagkaroon siya ng anak kay Clavio noong siya ay 17-anyos pa lamang.

“Inaamin ko po na ang ama ng aking panganay ay si Arnold Clavio, alam ko po na nagkasala ako sa kanyang may bahay,” pag-amin noon ni Balabagan.

READ MORE: Broadcaster na si Arnold Clavio, nakipag relasyon at nagkaanak sa 17-anyos noon na si Sarah Balabagan

Hindi naman nagsalita si Clavio tungkol sa isyu.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular