Home Celebrities Ella Cruz, sinabing na-appreciate niya ang reaksyon ni Agot Isidro kaysa kay Pokwang

Ella Cruz, sinabing na-appreciate niya ang reaksyon ni Agot Isidro kaysa kay Pokwang

0

Positibo ang naging reaksyon ng aktres na si Ella Cruz sa mensahe sa kanya ni Agot Isidro sa gitna ng ‘History like Chismis’ issue na kinaharap nito.

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, hindi napigilan mapaiyak ni Ella habang inaalala ang mensahe sa kanya ng ilang celebrities katulad ni Pokwang na matatandaan na binatikos siya.

Tinawag na ‘below the belt’ ni Ella ang mga nasabi sa kanya ni Pokwang na naging ina niya sa teleserye ng ABS-CBN noong 20212 na ‘Aryana’.

Ayon sa kanya ay ‘yung mga hindi niya inaasahan na magsasabi sa kanya ng masama ay ‘yun pa ang mga bumatikos sa kanya.

“Hindi ko po inasahan na masasabi niya ‘yon. Naging nanay ko po kasi siya eh… Okay lang yung isang tweet, pero tatlo po kasi yung nakita ko eh… yung pangalawa, OA na… below the belt na…” sabi ni Ella.

Buti pa nga daw si Agot na matagal niyang hindi nakausap ay nagpakita parin ng pagmamahal sa kanya.

READ MORE: Agot Isidro may payo kay Ella Cruz: “Pwede tayong sumagot ng ‘no comment’”

“Nagulat po ako. After po naming magka-work, wala na po kaming koneksyon. Kaya sabi ko, ‘O bakit, bakit may pag-tweet?’ Medyo ganoon po kasi una siyang nag-tweet eh. Pero noong nakita ko yung kay Mamang (Pokwang), bakit mas mabuti pa si Tita Agot? Na, parang she’s just trying to save me? Na parang wala siyang sinabing masama… sinabi lang niya ‘Sana nag-no comment ka na lang. Pero mahal kita’,” wika niya.

“Wala akong galit o sama ng loob kay Ms. Agot kasi somehow na-appreciate ko po, para niya akong pinapayuhan. Ganoon po,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang direktang pahayag si Pokwang at Agot tungkol sa panayam kay Ella.

 

Facebook Comments