Home Celebrities Arnell Ignacio, may mensahe kay ‘Kakampink’ Historian Ambeth Ocampo: “You are no academic God,”

Arnell Ignacio, may mensahe kay ‘Kakampink’ Historian Ambeth Ocampo: “You are no academic God,”

0

Binatikos ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Arnell Ignacio ang historian na si Ambeth Ocampo.

Ito’y matapos na manawagan si Ocampo sa kanyang mga kasamahan na akademiko na tulungan siya na magpakalat ng tamang impormasyon sa social media.

“I never thought that I would see this day when people question things that we hold true. Hindi natin alam kung talagang hindi sila naniniwala o ginugulo lang ang usapan. I think more than disinformation, it is just casting doubt. Kasi pag nag-question na ang tao, madali nang ma-manipulate [ang impormasyon].” sabi ng historian.

Pero ayon kay Ignacio ay hindi maaring kontrolin ni Ocampo ang basehan ng katotohanan at mayroon talagang mga kukwestiyon sa kanyang mga sinasabi.

“You are no academic god.. you cannot just respond to dissent with a stance of superiority as your basis for your “truth” notwithstanding your research ,cannot be held absolutely infallible,” ani Ignacio.

“Gumanda lang ingles sa historical research but sources are dynamic and as a researcher dapat bukas ka lagi sa maaring dokta ng bagong info,” dagdag niya pa.

Samantala ay isa pang kaibigan ni Ignacio ang tinanong si Ocampo kung ano ang kinakatakot nito na makwestiyon ang katotohanan.

Ayon kay Ethel Pineda ay wala rin namang magbabago kung kukwestiyonin ng mga tao ang katotohanan kung ito naman talaga ang nangyari noong panahon na ‘yon.

“Oyyyyy, things that are true hold up even when questioned. Why are you averse to it?” ani Pineda.

Sa ngayon ay mayroon ng isang libong reaction ang post ni Ignacio sa social media.

Facebook Comments