Home Celebrities Netizen may open letter kay Renato Reyes: “Wala ka bang naging ibang trabaho?”

Netizen may open letter kay Renato Reyes: “Wala ka bang naging ibang trabaho?”

0

Sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos ay naging matunog muli ang pangalan ni BAYAN Secretary-General Renato Reyes Jr.

Dahil dito ay nakatanggap nanaman ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang beteranong raliyista.

Isa sa mga pinag-usapan noon na post tungkol kay Reyes ang post mula sa isang netizen kung saan ay tinanong nito kung may trabaho nga ba ang aktibista.

Noong 2016 ay ibinahagi ni Tintin Durano Gonzales ang kanyang open letter para kay Reyes kung saan ay kinuwestiyon nito kung paano napapakain ng aktibista ang kanyang pamilya.

“Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walang nag babayad sa inyo, saan niyo kinukuha ang mga pang gastos niyo sa pag gawa ng stage, sa pag arkila ng mga sasakyan? sa pag papakain sa mga sumasama sa inyo? sa pag bigay ng 300-500 na bayad sa kanila?” tanong ni Gonzales.

“Hindi kami pinanganak ng panahon ni Mahoma, alam ng mga tao na lahat ngayon ay may katapat na Pera. May pamilya ka ba? Paano mo sila binubuhay? May regular ka bang trabaho? Natapos ka ba ng college or under graduate dahil nag concentrate ka diyan sa pag ra rally ? Nakikita na kita, high school pa ako, iyang pag mumukha mo ang laging naka balandra sa mga rallies against the government. Walang issue na hindi niyo sinakyan.” dagdag pa niya.

Ayon kay Durano ay nakapagtapos na siya ng pag-aaral, nakapagtrabaho at nakapagnegosyo ngunit si Reyes ay nandyan parin sa kalye at nagra-rally.

“Nawala na ba ang pangarap sa buhay mo? Inilaan mo na lang ba ang buong buhay mo sa pakikibaka? ano nga ba ang pinag lalaban mo? para sa bayan? pero sino ang nape perwisyo sa mga ginagawa niyong rallies di ba ang Bayan na sinasabi mong dahilan?” sabi pa niya.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 32,000 shares ang nasabing post.

Sinagot naman ng asawa ni Reyes ang mga tanong tungkol sa trabaho ng kanyang asawa at itinanggi nito na kumikita ang aktibista sa rally.

“HINDI sya kumikita sa rally. Hindi pagkita g pera ang dahilan kung bakit andyan sya sa larangan ng gawain na iyan.” ayon kay Mrs. Beng Rivera-Reyes.

Facebook Comments