HomeCelebritiesMotorista, matapang na hindi pinagbigyan ang VIP motorcade na nag-counterflow

Motorista, matapang na hindi pinagbigyan ang VIP motorcade na nag-counterflow

Inulan ng papuri ng mga netizen ang isang motorista na hindi pinagbigyan ang isang VIP motorcade na nag-counterflow sa kahabaan ng Barangay Buho, Silang, Cavite.

Sa video na inupload ni u/Far-Masterpiece-6965 sa Reddit ay makikita na hindi niya pinadaan ang nasabing motorcade at matapang pa nitong pinagsabihan ang escort ng may-ari ng sasakyan.

“Feeling VIP nanaman itong mga siraul*ng mga ‘to,” sabi ng uploader.

“Bawal ‘yang ginagawa niyo eh,” dagdag pa niya.

Wala namang nagawa ang nasabing motorcade at umalis na lamang sila sa linya ng uploader.

Sa kanyang kwento sa Reddit ay pinuntahan pa siya diumano ng personal ng may-ari ng sasakyan at nakiusap na i-delete na lamang ang video.

Ngunit hindi ito ginawa ng uploader.

“Pumunta sila sa house namin nagmamakaawa idelete yung video. Humindi lang kami. -Uploader ng video. I wonder how they found out ung address nung nagvideo,” sabi niya.

Samantala ay sinabi ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) na ipinagbabawal parin ang paggamit ng mga blinkers at ‘wang-wang’ sa mga hindi otorisadong sasakyan.

“For authorized use of wang-wang and blinkers, the vehicle must be a marked government property which is used only during official functions or performance of duties such as emergency response and law enforcement,” sabi ni PNP- HPG Service Legal Officer PCpt. Bingsky Foncardas.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung sino ang may-ari ng nasabing sasakyan.

Matatandaan na hinimok din ni Sen. JV Ejercito ang kasalukuyang administrasyon na maging mahigpit pagdating sa pagpapatupad ng ‘anti-wangwang’ dahil sa tila dumadami nanaman ang kaso nito.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular