Home Celebrities Lalaki na humarang sa isang VIP motorcade, nagsalita: “Hindi ako natakot kasi alam ko na I’m right”

Lalaki na humarang sa isang VIP motorcade, nagsalita: “Hindi ako natakot kasi alam ko na I’m right”

0

Nagsalita na ang lalaki na nag-viral sa social media matapos nitong hindi pagbigyan ang isang VIP motorcade sa kahabaan ng Barangay Buho, Silang Cavite nitong Biyernes Hulyo 22.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang nasabing video dahil sa tila katapangan ng nasabing netizen.

Sa panayam sa kanya ng VISOR, sinabi ni Miguel Dindore na hindi naman siya natakot noong hinarang niya at pinagsabihan ang nasabing escorted SUV.

“Hindi ako natakot kasi alam ko na I’m right, it’s my right of way at saka bawal naman po talaga ‘yung pagka-counterflow especially ‘yung mga may wangwang wang wang na ‘yan,” ani Dindore.

Hindi nito inisip na mapapahamak siya dahil sa madami namang tao sa paligid noong oras na ‘yon.

Sinubukan niya rin na maging kalmado sa nasabing sitwasyon upang hindi umabot sa punto na mapapa-away siya.

Sinabi rin nito na walang mangyayari sa bansa kung hahayaan lamang ng mga tao na pairalin ang kanilang takot sa mga makapangyarihan.

“Pag hahayaan natin laging mananaig ang takot satin, paano magbabago ang bansa natin? Paano magiging maayos,” sabi pa niya.

Nilinaw naman ni Dindore na hindi niya hinihimok ang mga tao na gayahin ang kanyang ginawa dahil sa posibleng manganib ang buhay ng mga susubok nito.

Facebook Comments