HomeCelebritiesElla Cruz, inamin na nasaktan sa sinabi ng 'mamang' Pokwang niya: "Hindi...

Ella Cruz, inamin na nasaktan sa sinabi ng ‘mamang’ Pokwang niya: “Hindi ko inaasahan na masasabi na ‘yon”

Hindi naitago ni Ella Cruz ang kanyang pagkadismaya sa pambabatikos na kanyang natatanggap ngayon sa social media matapos ang kanyang pahayag tungkol sa “tsismis” at “kasaysayan”.

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, hindi naiwasan mapatanong ni Ella sa kanyang sarili kung bakit ganoon katindi ang natanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens.

Ayon sa kanya ay marami siyang natutunan sa isyu na kanyang kinaharap.

“Dito ko nalaman ‘yung mga tunay kong kaibigan, tapos ‘yung mga hindi. Nakilala ko po kung sino sila, ‘yun po ang pinakamagandang natutunan ko.” aniya.

“Another lesson is to be strong, really really strong,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay hindi naman siya nasasangkot sa malalaking isyu kaya naman hindi niya alam kung paano haharapin noon ang nasabing pambabatikos sa kanya.

“May nasaktan ba ako? Alam ko sa sarili ko wala akong nasaktan. Siguro may mga na-offend ako pero hindi naman intentional,” wika niya.

Inamin niya rin na marami siyang kaibigang artista na nawala dahil sa isyu.

Ngunit isa sa mga pinakanasaktan siya ay ng batikusin siya ng kanyang dating kasamahan na si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang.

Matatandaan na binatikos ni Pokwang si Ella at sinabi na ibabalik niya na lamang sa dagat ang aktres.

READ MORE: Pokwang, pinangaralan si Ella Cruz: “Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat”

screencap 2022 07 22 at 6.26.02 PM

“Hindi ko inaasahan na masasabi na ‘yon… naging nanay ko po kasi siya eh,” paumpisa ni Ella.

Tinawag niyang ‘below the belt’ ang ilang tweet ni Pokwang laban sa kanya na naging kasamahan niya noon sa programang ‘Aryana’.

“Sobrang sakit, ‘yung mga taong hindi mo inaasahan sila pa ‘yung mga makakapagsalita ng ganyan sa’yo. Hindi ka man lang nila tinext, hindi man lang sila nag-dm,” sabi ng aktres.

Hindi na nagbigay pa ng mensahe si Ella kay Pokwang.

Buti pa nga daw si Agot Isidro ay maganda pa ang mensahe sa kanya kaysa kay Pokwang na itinuring niya ring isang ina.

“She’s just trying to save me, wala siyang sinabi masama,” komento ni Ella kay Agot.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular