Hindi naitago ni Edu Manzano ang kanyang pagkadismaya sa mga nakaraang performance ng Gilas Pilipinas sa international basketball arena.
Matatandaan na nitong mga nakaraang laban ng national basketball team ay naputol ang mga winning streak ng Gilas.
Isa sa mga halimbawa ay ang bigong pagkakuha ng Pilipinas sa gintong medalya para sa basketball sa Southeast Asian (SEA) Games matapos ang mahigit tatlong dekada.
Nitong nakaraan ay natalo naman ang Pilipinas sa Japan, dahil dito ay hindi nakapasok sa top 8 ng FIBA Asia Cup quarterfinals ang bansa matapos ang 15 na taon.
Dahil dito ay hindi naiwasan madismaya ni Manzano at sinabi na ito na ang oras upang maghanap ang mga Pilipino ng ibang sports na pagbubuhusan nila ng oras at hindi lamang basketbal.
Ilan sa mga mungkahi nitong sports ay Karate, Skateboarding, Golf, Weightlifting at Football.
Matatandaan na pawang matagumpay ang bansa sa mga nasabing sports ngayong taon.
Sa sports na weightlifting naman unang beses nakakuha ang Pilipinas ng Gold sa Olympics.
“Time to reassess putting so much of our resources in int’l basketball. Consider these latest achievements by women …. karate, skateboarding, golf, weightlifting and most recently football. Sports patrons should spread the love.” ani Manzano.
Time to reassess putting so much of our resources in int’l basketball. Consider these latest achievements by women …. karate, skateboarding, golf, weightlifting and most recently football. Sports patrons should spread the love.
— Edu Manzano (@realedumanzano) July 19, 2022
Eto naman ang opinyon ng mga followers ni Manzano sa post ng aktor.
“Ang sa akin we have good Gilas Players kaya lang Coaching is the Problem at Politics… Anyways sana magconcentrate din sa Men’s Baseball, Women’s Basketball, Women’s Softball, at M/W Swimming also Rowing pero Grassroots hindi yung panay asa sa Half-Pinoy…” sabi ni @lanuzakarl.
I agree because seeing the Phils vs NZ game on TV the other day it was another testament that height is might in international competitions.
— Edu Manzano (@realedumanzano) July 19, 2022
“Tigilan napo kasi yung ilusyon. hindi tayo pang basketball.” wika naman ni @jgwswsws.