Home Celebrities Babae na nagwala sa jeep, dumadaan lamang diumano sa ‘depresyon’

Babae na nagwala sa jeep, dumadaan lamang diumano sa ‘depresyon’

0

Naging usap-usapan sa social media ang isang babae na nakuhanan ng video habang nagwawala sa loob ng isang jeep.

Ang nasabing babae, sinisigawan ang driver dahil sa patigil tigil ito dahil sa nasasakay siya ng pasahero.

“Kuya ire-record kita anong oras na, kanina pa ako dito ang tagal tagal mo,” paumpisa ng babae. “Ano to may plano kang patagalin, ilang oras na oh,” 

“Diyos ko, susmaryosep kuya may mga plano ka din ha? Wag mong isakay lahat ha, may mga plano din ako,” dagdag niya pa.

“Mga mukha kayong pera, ang kakapal ng mukha niyo,” sabi pa nito.

Matatandaan na inulan ng batikos ang babae sa social media at sinabi na sana’y kumuha na lamang siya ng sariling sasakyan.

Ibinahagi ng GMA News ang karagdagang impormasyon tungkol sa babae.

May ilan na nagpakilalang malapit sa nasabing babae at sinabi na mabait na tao ito ngunit mayroon lamang itong pinagdaraanan.

Ayon sa ulat ay nagkaroon ng depresyon ang babae kaya’t ganito na lamang ang naging ugali nito.

Kinumpirma naman ng ilang eksperto na kasama talaga ang pagiging iritable sa mga senyales ng depresyon.

Sa ngayon ay hindi pa nagpapa unlak ng panayam ang babae.

Facebook Comments