Home Celebrities Asawa ni Renato Reyes, sinagot ang mga basher: “HINDI sya kumikita sa rally. Hindi pagkita ng pera ang dahilan kung bakit andyan sya!”

Asawa ni Renato Reyes, sinagot ang mga basher: “HINDI sya kumikita sa rally. Hindi pagkita ng pera ang dahilan kung bakit andyan sya!”

0

Sa paparating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos ay naging laman muli ng pahayagan ang beteranong raliyista na si BAYAN Secretary-General Renato Reyes.

Dahil dito ay hindi naiwasan ng mga netizens na batikusin muli si Reyes at akusahan muli ito na kumikita sa bawat rally na kanyang inoorganisa.

Ngunit matagal na itong sinagot ng asawa ni Reyes na si Beng Rivera-Reyes.

Sa kanyang Facebook post noong 2016 ay nilinaw ni Mrs. Rivera-Reyes na wala ngang trabaho ang kanyang asawa.

Ngunit sapat naman daw ang kanyang sinusweldo bilang isang doktor ng isang pampublikong ospital.

“Hindi sya mayaman, sapat na sapat lang ang kinikita KO na asawa nya para mabuhay kami ng simple. Bilang doktor sa isang pampublikong ospital, maliit ang kita. Pero sapat ito para hindi kami mabaon sa utang, at makakain ng tatlong beses isang araw. Ikinararangal ko na sinusuportahan ko ang asawa ko, walang kinikita sa gawain nya, pero marangal ang gawain nya at sapat na iyon. Ang adhikain nya ay adhikain ko din.” ani Mrs. Rivera-Reyes.

“HINDI sya kumikita sa rally. Hindi pagkita ng pera ang dahilan kung bakit andyan sya sa larangan ng gawain na iyan. Mahirap siguro unawain ito ng ibana ang tingin sa pagiging marubdob sa gawain ay dahil may kapalit na pera. May mga taong walang hinihintay na kapalit sa serbisyo na ginagawa nila, at dapat tayong manalig na mayroong ganoong mga tao, dahil kung hindi, wala na kayong pag-asang natatanaw pa para sa bayan na ito.” dagdag niya pa.

Ipinagkumpara niya rin ang mga kritiko ng asawa niya sa mga “palaka” na “hindi makaahon sa balon”.

Nakatanggap naman ng iba’t ibang reaksyon ang doktora sa social media.

Facebook Comments