Home Celebrities Tim Connor sa conjugal property ni Maggie Wilson at Victor Consunji diumano natutulog

Tim Connor sa conjugal property ni Maggie Wilson at Victor Consunji diumano natutulog

0

Pinag-usapan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang diumano’y posibleng ugat ng ‘padlock’ issue ngayon sa pagitan ni Maggie Wilson at dati nitong partner na si Victor Consunji.

Sa kanilang Showbiz Update, sinabi diumano ng source nila na tila hindi nagustuhan ni Consunji na sa conjugal property nila ni Wilson tumutuloy si Tim Connor.

Si Connor ang nobyo ngayon ni Wilson na matatandaang kinasuhan ng adultery ni Consunji.

“Everytime nandito raw si Tim Connor, according to my source, eh lagi raw nandoon sa bahay na yon kung saan parang yon ang bahay nila di ba, ni Maggie at ni Victor, nung sila pa,” sabi ni Ogie.

“So tinanong ko rin ang aking source. So kaya pinapadlock ba, dahil parang syempre parang insultong malaki na rin para kay Victor yun,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanila ay si Consunji ang nagbabayad ng nasabing property kaya naman bilang isang lalaki ay tila isa itong malaking sampal.

Nakay Wilson naman daw ito kung mapapatunayan niya na mali ang mga akusasyon laban sa kanya ni Consunji.

“Yung sinasabi raw na may renta o may kasulatan, wala naman raw. Anyway, kung may maipo-produce si Maggie Wilson, i-produce niya. Kahit na yung mga itinatago niya, na mga “the truth will come out” I’m sure in time, lalabas din yung kung meron,” sabi pa ni Ogie.

Matatandaan na sinabi ni Wilson na hindi siya aalis sa kanilang bahay at ipaglalaban niya ang kanyang karapatan.

Naniniwala rin ito na kinasuhan siya ni Consunji para mawalan siya ng karapatan sa mga conjugal properties nila ng bilyonaryo niyang asawa.

Facebook Comments